Bakit kaya?

93 5 1
                                    

Bakit kaya kapag nagmahal tayo ay kailanagang masaktan?
Bakit kapag umibig tayo ay kailanagang may maiwan at mang-iwan?
Bakit kung minsan na nga tayo magmahal, sa taong mali pa?
Sa taong sasaktan, iiwan at ipagpapalit ka sa iba?

Bakit kapag nagmahal tayo ay laging may luha?
Mga luhang puno't dulo ay pagkasawi at pagkatanga
Bakit kung kailan tayo pinagtagpo, doon naman tayo 'di tinadhana
Bakit napakaraming nahuhulog na mga taong sa mali pala sila napupunta?

Hindi ba dapat kapag nagmahal ka ay dapat mahalin ka 'din niya?
Hindi ba dapat kung mahal mo siya, mahal ka rin niya?
Eh bakit ganon? Kahit alam niyang mahal mo siya
Mas pinili pa niya ang iba? na akala niya doon siya mas masaya

Bakit kaya ganon no?
Mas masakit pa sa namatayan kapag tayo'y sinukuan.
Mas masakit pa sa nawalan kapag tayo'y kinalimutan.
Bakit sa dinami-daming tao sa mundo, siya pa ang iyong natagpuan.
Yung taong iniwan ka ng walang dahilan.

Bakit kaya?
Bakit kaya tayo iniiwan ng mahal natin?
Bakit lagi nalang tayong pinagpapalit sa ibang mas mabuti sa atin?
Bakit nagtatapos ang isang relasyon ng walang dahilan?
Bakit kaya tayo iniiwan, sinusukuan at sinasaktan?
Bakit lagi nalang tayong nasasaktan kapag nagmahal tayo ng lubusan.





*Nagbabalik na si ginoong AnakNiFrancisco. Ialng buwan na 'din nung huli akong nakagawa ng tula. Heto na ako at nagbabalik na.*

'Wag TULAran (Mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon