Maayos ka
Maayos ako
Maayos tayo
Ngunit sa biglaan mong paglayo
Relasyon natin ay humantong sa ganito.
Sa hindi ka nagkulang
Ngunit iyon ay kinakailangan
Ang lumayo upang hanapin ang kasiyahan
Na 'di mo inakalang nasa harapan mo pala ang magdadala sa iyo sa kaharian.
Habang pinagmamasdan ang iyong pigurang papalayo
Unti-unti nawawalan ng kulay ang aking mundo
Na kung saan ikaw ang nagdala ng kulay nito
At bumuo sa mga kulang at nawawalang piraso ng puso.
Hayun ka
Nakaalis na
Kahit masakit ay kinakailangang tanggapin
Na may iba ka na at kailangan mo na akong lisanin.
Ngunit bago ka makalayo
Bigla kang papalingon sa gawi ko
Sumilay ang pagdududa sa mukha mo
Kung kaya't ako'y nilapitan mo.
Nagtanong ka kung mahal kita
Sumbat ko sa iyo ay noon pa
Hinintay ang iyong sagot
Ngunit bigla kang nalungkot.
Sabi mo,
pasensya na hindi ko na kaya
Ang ilihim pang may gusto na akong iba
Pero salamat dahil pagmamahal mo ay iyong ipinakita.
Kumalas ka sa pagakakahawak
Bumitaw ka na nga ng tuluyan
Tumalikod ka at tinahak na ang daan
Daan kung saan alam mong doon mahahanap ang kasiyahan.
Pinalaya kita ng maayos at walang pag-aalinlangan
Tinaggap ang realidad na kailan man ay di matatakasan
Tuluyan kang lumayo ngunit sa isipan ay napuno ng katanungan
Bakit kung saan ka na masaya doon ka naman iiwan.
Ang sakit lang sa pakiramdam
Na ang dating kasama mo
May iba na palang kasa-kasama.
Nagmahal
Nasaktan
Iniwan
Ngunit sakit ay naghilom.
Masayang tinanggap na wala na talaga
Dahil may iba nang sa akin ay nagpapasaya
Ngunit bigla kitang nakita
Sa harapan ko lumuhod ka.
Humingi ng patawad sa harapan namin ng mahal ko
Ginusto mong mapatawad kahit wala iyon sa utak ko
Nagmakaawa ka na babalik ako sa iyo
Ngunit walang dahilan pa para ika'y tanggapin pa ulit sa piling ko.
Ipinamukha mo sa akin noon na ako'y wala lang
Ngayon bumabalik ka na na parang wala lang
Matapos mo akong ipagpapilit tatanggapin pa ba kita ulit
Dahil kapag nakikita ko ang pagmumukha mo ay binabalik lahat ng sakit.
Hindi na pala napigilan
Tumulo na nga ang mga luhang iniingat-ingatan
Hindi na muling magdadalawang isip na ika'y balikan
Dahil alm kong alam mo rin na may mahal na akong iba.
Lumayo ka dahil mas mahal mo siya
Ngunit nagbalik ka dahil mahal mo pala ako
Ngayon gusto mong magbalikan tayo
Ngunit maling-mali na kung babalikan pa natin ang pag-iibigan nating binitawan mo.
BINABASA MO ANG
'Wag TULAran (Mga Tula)
Poetry******* Highest Rank #05 in poetry """"""""""""""#01 sa Tula ******* Isang pamamaraan, Isa itong uri ng salysayan, Magulong talastasan At kahindik-hindik na tala-salitaan Ibig nitong ihayag Isiwalat ang 'di katanyag-tanyag Mga nasasaktang pahayag Tu...