This poem was dedicated to MaechantelieFagarang
Sa una lang masaya
Ngunit sa dulo ito'y may daya
Sa umpisa lang siya may tiwala
Ngunit habang lumalalim ang araw
Ito'y lumalamig ng biglaMinahal mo siya
Mahal ka nga ba?
Baka lang naman sa umpisa
O sa imahinasyon ka lang nagpapadala?Pag-ibig na dati'y nag-aabo
Ngayon sintigas na ng yelo
Ni animo'y 'di na mawawasak ng bato
Na kahit ihampas-hampas mo pa ng husto
'Di na maibabalik ang dating nakasanayan moDating matatamis na mga salita
Ngayon, nahihirapan na kahit isang letra
Pag-ibig na dati'y masigla
Ngunit bakit nagbago bigla
At ito'y naging maputla't balisaSa dinadami ng pwedeng mahalin
Bakit siya parin
Ilang milyong taong laman nitong mundong atin
Siya pa ang pinagtuunan mo ng pansin
Na kahit ilang luha na ang nawalgas siya padinAkala ko ba panahon lang ang pabago-bago?
Pati ba naman relasyon sumasabay sa takbo
Na animo'y alam na alam ang plano
Yun pala, siya pa tong magdudulot ng pagkasira niyoNanlamig nga ang pagmamahalan niyo
Bakit di kayo lumaban pareho?
Hinayaan niyo nalang na doon tutungo
Sana man lang gumamit kayo ng posporo
Upang di ito lalamig at maibabalik ang dating kayo.Nanlamig nga ba
O may nahanap siyang iba?
Nagbago ba bigla
O sandyang limot ka na niya?
Ano ba talaga?
BINABASA MO ANG
'Wag TULAran (Mga Tula)
Poetry******* Highest Rank #05 in poetry """"""""""""""#01 sa Tula ******* Isang pamamaraan, Isa itong uri ng salysayan, Magulong talastasan At kahindik-hindik na tala-salitaan Ibig nitong ihayag Isiwalat ang 'di katanyag-tanyag Mga nasasaktang pahayag Tu...