L.D.R.

124 16 0
                                    

Magkalayo ngunit iisa lang ang puso
Nagmamahalang tapat kahit kami'y magkalayo
Ngunit hindi handlang sa amin para kami'y huminto
Dahil alam kong mahal ko siya at mahal niya ako.

Tiwala ang nagpapatibay sa amin
Kahit magkalayo, kami'y nagmamahal parin
Kahit ilang pagsubok ang dinaanan at dadaanan namin
Handa parin kaming bumangon at sabay na haharapin.

Ilang bundok at ilog ang siyang pumapagitna
Sa relasyon naming sintibay ng punong narra
Na kahit ilang bagyo at lindol ang magtangka
Na sirain at wasakin ang pagmamahalan naming dalawa
Ito'y matayog at tuwid parin at nakatayong masigla.

Ang relasyon namin ay LDR kung tawagin
Long Distance Relationship ang bansag sa amin
Ngunit kahit gano'n ang sitwasyon namin
Hindi parin mababago sa kanyang pagtingin
Kahit pagtibok ng puso ganoon parin.

Hindi masama ang makipagsapalaran
Hangga't alam mong walang nakakasama sa inyong kalagayan
Ngunit kapag ika'y nasobrahan
Diyan na pumapasok ang mga problemang kailangang lagpasan.

Sa relasyon, di maiiwasan ang problema
Magsisilbing pagsubok kung gaano kayo kasigla
Na handang tanggapin kahit ito'y nakakasira
Kahit pati pag-agos ng inyong mga luha
Hindi parin kayo susuko at ipaglalaban ang tama.

Mahirap ang sitwasyong LDR
Ikaw ay andyan siya naman ay nasa ibang lugar
Makakarinig ka ng mga maling binubulgar
Ng mga taong pagkatsismosa'y di kayang ilugar.

Umuulan sa amin, sa kaniya tirik ang araw
Umaga sa amin, siya ay nakatingala sa mga bulalakaw
Hindi magkatugma ang bawat orasan
Na sa bawat paggising ko, doon naman siya yumayakap sa unan.

Ilang araw akong nagtiis sa iyong pagakawala
Ilang luha ang umagos sa aking mukha
Ngunit kahit ganon di ako nawalan ng pag-asa
Dahil ramdam kong andiyan ka at lagi kong kasama.

Milya ang sumusukat sa aming relasyon
Ngunit kahit ganon, kami'y handang bumangon
At naniniwala ako na may darating na pagkakataon
Na kami'y magkikita rin sa takdang panahon.

LDR ay di masama
Hanggat kayo'y may tiwala sa isa't isa
Na handang lumayo kahit ito'y masakit na
At kailangang tanggapin at intindihin ang nais niyong dalawa
Dahil alam naming hindi doon nasusukat ang pagamamahalan naming dalawa.

'Wag TULAran (Mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon