Nagmumunimuni sa kailaliman ng dilim
Nababalot ng di kahiwagaha't pumupuna'y itim
Di maaninag ang paligid ng taimtim
Na sa bawat sulok ay may nakatagong lihim.Minumundo ang pagkawala ng liwanag
Nagmistulang paligid na siyang di maaninag
Na sa bawat akto't galaw ay may bumabagabag
Na siyang sanhi ng aking pagiging pagkaduwagMinsan paika-ika, nadadapa't nabubunggo
Pilit hinahanap ang sinag na nakatago
Ngunit base sa mga nahahakot kong kumento
Mananatiling ganito na ako't di na magbabagoGustong makawala sa gapos at mapanlinlang na mundo
Makalaya sa dilim at itim na siyang tuso
Mapahinto ang luhang di matigil sa pagtulo
At maayos ang wasak at nag-iisang pusoSa dilim ako nagkamalay at nagkaisip
Sa mundong itim na ang sinag ay nakatakip
Naghahanap ng butas para ako'y makasilip
Ngunit ito'y masusunggaban ko na lamang sa aking panaginip.Dilim na umano'y sanhi ng pagkabagabag
Tinutusok ang puso ng mga salaming basag
Paano kaya ako makakatakas ng di lumalabag
Kung ganito lang ako't isang hamak na bulag.*****
Mga madlang mambabasa, damhin niyo ang pagkamalaya niyo at huwag mahiyang magkumento. Magsabi lang kayo kung ano ang gusto niyong gawin ko. Mas mabilis ang paggawa ko ng tula kung kayo mismo ang magsasabi. Huwag mahiya dahil tatanggapin ko kung ano man yang ipapagawa niyo. Sana ay mabasa niyo ito at may mga ipapagawa kayo. At sana huwag din kalimutang bumoto. Okay lang sa akin kung hindi kayo magbibigay isang malaking gantimpala na sa akin ang inyong pagbasa nitong mga tulang ginawa ko.
Maramimg Salamat!!!
---AnakNiFrancisco
BINABASA MO ANG
'Wag TULAran (Mga Tula)
Poetry******* Highest Rank #05 in poetry """"""""""""""#01 sa Tula ******* Isang pamamaraan, Isa itong uri ng salysayan, Magulong talastasan At kahindik-hindik na tala-salitaan Ibig nitong ihayag Isiwalat ang 'di katanyag-tanyag Mga nasasaktang pahayag Tu...