Pag-iibigan natin ay biglang naudlot
Pangangamba at takot ang siyang bumalot
Pagkakataon at pagasa ay nabaluktot
Tuluyan mo na akong nilisan at nilimot
Ilang pilit mo akong ipagtabuyan at isantabi
Ngunit nanatili parin ako sa iyong tabi
Kahit ilang pilit mong ipamukhang may iba ka nang napili
Nanatili parin ako kahit alam kong ito'y mali
Minahal kita ngunit mas mahal mo siya
Naging tayo ngunit mas nauna siya
Lumuhod, nagpumilit at nagmakaawa
Ngunit 'di mo man lang ito ininda
Bagkus ito'y iyong binalewala
Ikaw ang siyang nagpumiglas
Ikaw ang unang kumalas
Ako lang ang mag-isang lumaban
At ikaw ay may ibang ipinaglalaban.
BINABASA MO ANG
'Wag TULAran (Mga Tula)
Poetry******* Highest Rank #05 in poetry """"""""""""""#01 sa Tula ******* Isang pamamaraan, Isa itong uri ng salysayan, Magulong talastasan At kahindik-hindik na tala-salitaan Ibig nitong ihayag Isiwalat ang 'di katanyag-tanyag Mga nasasaktang pahayag Tu...