Nakilala kita sa isang tagpuan
Naging kaibigan kita ng di ko namamalayan
Nakasama kita ng pangmatagalan
Ngunit nahulog na pala ako ng di ko inaasahanSa bawat ngiting iyong ginagawad
Nginting mga nasa labi'y lumalapad
Na para bang matutupad ang hinahanagad
Kahit alam kong ito'y tatangayin ng hangin
At sa himpapawid ito'y lilipad.Ikaw ang nagmistulang karamay
Sa mga problemang sumisilay
Ngunit namangha ako sa iyong taglay
At sa iyong kagandahang nakakamatayAlam kong mali ang umibig sa tulad mo
Dahil kaibigan mo lang naman ako
Ngunit sana man lang ako'y mahalin mo
At kahit isang pagmamahal man lanag maipakita moMahal mo nga ako
Ngunit bilang kaibigan mo
Ramdam mo nga ako
Ngunit sa iba ang atensyon moMananatili nalang bang ganito
Yung nakatago nalang at ililihim sayo
Itong pag-ibig kong di pa sumusuko
Itong pagmamahal kong mula nung bata pa tayoWalang gabing ika'y na isip
Palaging ikaw ang panginip
Kahit hanggang sa pagsilip
Ng araw na nakatakipKung sa iba ka masaya
Wala akong magagawa
Wala akong karapatan upang pigilan ka
Ngunit sa oras na ika'y masaktan
Ako'y handa parin upang tulangan ka.Alam kong sa pagtila ng ulan
Walong kulay ang aking masisilayan
Bahaghari ang lulutang
Upang kulayan muli ang puso kong nagulantang
BINABASA MO ANG
'Wag TULAran (Mga Tula)
Poetry******* Highest Rank #05 in poetry """"""""""""""#01 sa Tula ******* Isang pamamaraan, Isa itong uri ng salysayan, Magulong talastasan At kahindik-hindik na tala-salitaan Ibig nitong ihayag Isiwalat ang 'di katanyag-tanyag Mga nasasaktang pahayag Tu...