Luha

478 28 5
                                    

Isang butil ang iniingat-ingatan,

Isang patak ang kinailangang lumisan,

Sapat na siyang magpapagaan,

Sa 'di maatim na nararamdaman.


Isang tao ang naging dahilan,

Taong pinagmalupitan ang nararamdaman,

Taong sumira sa natitirang kabaitan,

Taong minahal ng walang alinlangan.


Ngunit siya rin ang unang lumihis,

Unang humakbang papaalis,

Na sa puntong 'di mahabol sa bilis,

Na sinabayan ng luhang tumutolo ng labis.


Sa kalagayang 'di mapalitan ng kasiyahan

Sa puntong di inaakalang 

Hindi lang isang butil ang lilisan

Na sa puntong 'di na ito matigil dahilan ng kalungkutan.


Nagtuloy ang mga luha sa pag-agos

Hanggang sa makawala sa gapos

Hanggang sa mapagtantong,

Hindi na ako ma-ayos.


Pinilit ibalik ang luhang kumawala

Pinilit ininda ang sakit na nadarama

Sinanay sa hapdi ng kaniyang ginawa

Hanggang tuluyan nang nakaahon mula sa baha.


Iwinaksi sa utak at isipan

Natuyo ang luhang sinaktan

Bumalik sa ayos ang nararamdaman

Ngunit sa 'di inaasahan, 

Minumulto na naman ng nakaraan.



'Wag TULAran (Mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon