Pagbabago

115 17 1
                                    

Hindi pansin ngunit ito'y ramdam
Pagbabago ng mundong ating kinagisnan
Pag-iba ng estado ng mundong ating minulatan
At unti-unting nasisira ang mundong ating ginagalawan.

Maraming pagbabago
Maraming nawala at naglaho
Nabago ang takbo ng mundo
At kilos ng mga tao

Pagbabago ay unti-unting nararanasan
Pati klima ay sinasabayan
Mga ugaling ating kinasanayan
Ito'y mawala na ng tuluyan

Mga bagay na dating gawa sa kahoy
Ngayon bakal na ang amoy
Mga kahoy na ginagamit upang magka-apoy
Ngayon isang pihit lang makakasilay ka na ang apoy

Panulat na dating nakahiwalay ang tinta
Ngayon ito'y nasa loob na't namamahinga
Mga papel na gawa sa dahong nalalanta
Ngayon kahoy na't ginagamitan na ng makina

Mga kagamitan na dati'y tayo pa ang gumagawa
Ngayon ito'y ginagamitan na ng makabagong sistema
Mga sulat dati'y pinapadala
Ngayon isang pindot lang tanggap na

Ngunit habang nalulunod ang araw
Hindi natin napapnsin ang ating mga galaw
Na dati'y nasa ilalim ngayon tayo'y nasa ibabaw
Ngunit marami parin ngayon ang naliligaw

Ngunit bakit ganon? hindi parin patas ang mundo
Marami parin ang mga taong sakim at bulag sa trono
Na gustong pagharian ang buong mundo
At angkinin ang mga bagay na kaniyang gusto.

Marami parin ang mga bansang hindi malaya
Mga bansang naghihirap at ginagawang tanga
Na hindi nakakasabay sa pagbabago' pag-iiba.
Ngunit pagbabago ba ang dahilan upang tayo'y muling makalaya
O pagbabago din kaya ang sanhi ng ating pagkasira.

*

****

Share ko lang yan guys...Tula ko pa yan kasi noong grade 7 ako...wahaha




'Wag TULAran (Mga Tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon