This poem was dedicated to Psycopathrounam
Ilang puyat at paghihirap ang tinamasa
At ilang pagod at pera ang nawala
Mga gradong paitaas at paibaba
Mga leksyong nasa isip ay di pa nawawala
At mga kaibigang nagmistulang iyong kasama.Mga ala-alang di mabura
Ito'y aming balik-balikan sa aming pagtanda
Mga kaklase naming naging tapat at nakasama
Sana'y tayo pa ay magkikita
At sana, tayo ay muling magsama.Mahirap isipin
Na paaralang aming lilisanin
Mga kaibigang nagmistulang karamay namin
At mga gurong tumanggap sa amin
Na handang turuan at yakapin.Salamat sa mga magulang na sumuporta
Pamilyang gumabay at sumama
Sa hirap at tiyagang aming tinamasa
Salamat dahil hindi kayo nawala
At kahit kayo'y nahihirapan na, 'di parin kayo nagsawa.Sa aming pagtatapos
Gamit ang mga medalyang nakasabit
Kayo'y aming igagapos
Lulunorin namin kayo
Sa mga luhang unti-unting umaagos.Tuluyan na naming iiwan
Ang mga upuang wala ng laman
Ang sahig na kumikinang
At pirsarang nagmistulang harapan
At mga ala-alang kailangan ng kalimutanPuti, Itim o anong kulay man ang toga
Ang mahalaga, makuha mo ang medalya
Makakalad ka sa entabladong naghihintay
At mahuka mo ang hinahangad mong diploma
Na siyang bunga ng paghihirap mo't tiyagaAlam namin na sa pagalis namin dito
Mas maraming pagsubok ang mararanasan ko
Bagong kaibigan ang naghihintay at sasalubong sayo
At panibagong paaralan na siyang maninilbing magtuturo
At dito muli magsisimula ang panibagong yugto
Ng buhay ko.*****
CONGRATUALATIONS GRADUATES!!!
BINABASA MO ANG
'Wag TULAran (Mga Tula)
Poetry******* Highest Rank #05 in poetry """"""""""""""#01 sa Tula ******* Isang pamamaraan, Isa itong uri ng salysayan, Magulong talastasan At kahindik-hindik na tala-salitaan Ibig nitong ihayag Isiwalat ang 'di katanyag-tanyag Mga nasasaktang pahayag Tu...