Isang salita
Isang bigkas
Isang tanong
at isang tao
Ang hinihintay
Minahal kita
Minahal mo ako
Pero teka,
'Di ko lang alam kung totoo pala
Hindi ko alam kung minahal mo nga ako
Hindi ko alam kung sadyang totoo
Lahat ng pinararamdam mo
O baka lang naman nagkukunwari ka lang?
Sa dinami daming mga tanong
Wala ka ni isang sagot
Mahal kita
At alam mo iyon
Ngunit ni isang salita
Wala kang sumbat
Sa tanong ko na
Mahal mo rin ba ako?
Ilang araw na ang lumipas
Ilang oras na ang nawalgas
Ngunit wala parin eh
Wala ka paring sumbat sa 'king nag-iisang tanong
Dahil nanatili kang nakatikom
Bakit?
Nakakatakot na ba ang mga salitang iyon?
Kung kaya't tinatakasan nalang
O baka naman sadiyang wala talaga
Wala kang nararamdaman simula pa nung umpisa
Tanggap ko naman eh
Tanggap ko na 'di mo talaga ako gusto
Pero kahit minsan manlang sinabi mo
Sinabi mo na hindi mo ako gusto
Para naman sa gayon ay di ako umasa pa
At 'di na kita minahal pa
Pero salamat
Ikaw ang rason kung bakit ako nakahanap ng kapalit
Hindi ba yun naman ang gusto mo?
Ang ipagpalit ako kahit wala namang pumipilit
Na sa bawat salitang binibitawan
Ay may laging kahulugan na
'Di ko rin malaman kung ano ang iyong pangangatwiran
Na sa bawat pagdungaw ng buwan
Hayun ka
Kasama mo pala siya
Pero hindi iyon masakit
Dahil alam mo na alam kong wala namang tayo
Oo ipinagsigawan ko noon
Ipinagpumilit ko pa ang sarili ko noon
Pero pagod na ako
Pagod na akong isiksik ang sarili ko sa 'yo
Na ni minsan hindi mo binigyan ng espasyo
Masaya ka sa piling niya
Habang ako ay nagpapakatanga
Nakangiti ka bawat tunghay mo sa kaniya
Ako naman ay patuloy na bumabagsak bawat luha
Inaamin kong minahal kita
Pero minahal mo rin ba ako?
Kung hindi
Ano pa bang bago?
Syempre niloko mo lang ako
Oo alam kong tanga ako
Alam kong naloko ako
Pero bakit parang mas masakit kung ika'y maglaho
Bakit mas dumoble ang sakit nang iniwan mo ako
Pero ako'y biglang napaidlip
Na sa aking panaginip
Tayo ay masaya
Ngunit habang tumatagal ay nagiging bangungot na pala
Akala ko kahit doon lang
Maging tayo
BINABASA MO ANG
'Wag TULAran (Mga Tula)
Poetry******* Highest Rank #05 in poetry """"""""""""""#01 sa Tula ******* Isang pamamaraan, Isa itong uri ng salysayan, Magulong talastasan At kahindik-hindik na tala-salitaan Ibig nitong ihayag Isiwalat ang 'di katanyag-tanyag Mga nasasaktang pahayag Tu...