Chapter 6

2.9K 162 15
                                    

Sunny

Lagpas dalawang linggo na simula nung makalabas si Inang ng hospital at tatlong araw na rin bago mag Pasko at gaya ng pinangako ko sa kaniya na hindi siya aabutan ng Pasko sa hospital.

Inasikaso rin kami agad at maayos dito sa hospital ni Alex. yung girlfriend ni Kim na hanggang ngayon, 'di ko lubos maisip kung paano nangyari.

"Mi amore,"

Na pa tingin ako sa taong katabi ko na ngayo'y nakatingin sa akin habang hinahaplos ang mukha ko.

"What are you thinking, Amore?" hinawakan ko ang kamay niyang nakalapat sa pisngi ko.

"Wala lang, masaya lang ako na nandito ka sa tabi ko." At totoo iyon, walang araw na hindi ako nag bigay ng pasasalamat sa Diyos kasi sa hinaba haba ng panahon na nawala siya, ngayo'y kasama ko na siya at bawat araw napapawi niya lahat ng pagkukulang niya at sobra-sobra pa.

Umayos ako nang higa at lumapit sa kaniya, tanghali na pero ayaw ko pa rin tumayo sa pagkakahiga dito sa kama, gusto ko lang ay nandito kami, kayakap siya buong araw.

"I won't go anywhere." Pa bulong niyang sabi, lihim naman akong na pa ngiti, pero nagsungit sungitan ako para kunwari pakipot.

"Dapat lang! Kasi lagot ka talaga sa akin kapag nawala ka, talagang hahanapin kita kahit uugod ugod na ako." Sabay kurot sa kaniya sa tagiliran.

"Dai, mi amore, let's have some breakfast and lunch. Nagluto ako ng paborito mo," then she smiled at me.

"Mauna ka na, sunod ako, okay? Ayusin ko lang itong kama," tumango naman siya at agad na bumaba.

Bumangon na rin ako para ayusin yung kama. Magulo kasi ako matulog kumpara kay Raven, minsan nga parang nasusuntok ko na siya kapag na nanaginip ako.

Na pa tigil ako sa pagpag ng unan nang tumunog yung phone ko... aga aga mang bubulabog tong si Kim, bulong ko sa isip ko sabay lapit sa cellphone ko na nakapatong sa side table. Pag-open ko ng inbox, number lang yung nakalagay.

Sino naman kaya ito?

Pinindot ko mismo yung message

'HINDI PA TAYO TAPOS'

Parang tumigil ang paghinga ko sa nabasa ko—hindi ko alam kung anong klaseng kaba pa ba ang dadagundong sa dibdib ko.

"Mi amore?"

Hindi talaga siya titigil—nanginginig ako sa takot dahil hindi ko na alam kung ano pa ang pwede niyang gawin, pero sana naman huwag. Akala ko okay na lahat pero bakit ganito pa rin?

"Amore,"

Sana pananakot lang ito, k-kung gusto niyang gumanti ay sa akin na lang at wag na sa mga taong mahal ko. Huwag na sana.

"Sunny, are you okay?"

Bumalik ako sa realidad ng tawagin niya ako,

"H-Ha? ano y-yun?"

"I said, Are you okay? You look pale, amore." Papalapit na siya sa akin kaya agad kong pinatong yung cellphone ko sa table.

"Yeah, I'm okay—inaayos ko lang itong kama." Pinilit kong ngumiti kahit 'di na maipinta ang mukha ko.

"Are you sure? You don't look good; is there any problem?" ayokong malaman niya kasi mag-aalala na naman siya. Laban ko ito kaya kailangan ko harapin nang mag-isa hangga't kaya ko.

"W-Wala ano ka ba, gutom lang ako. Tara na?" hinawakan ko agad siya sa kamay at hinila na pababa. Mukha naman siyang naniwala sa akin kahit papaano.

Pagbaba ay agad kong binuhat si Circe, "Good morning—after noon, mahal kong Circe!" saka ko pinaghahalikan sa ulo ang sobrang cute na asong ito.

Tame (GirlxGirl Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon