Sunny
"Mi amore," malambing na boses niya ang unti-unting nagpamulat sa mga mata ko. Nakita ko agad ang maganda niyang mukha.
"Wake up, come on, it's your first day, right?"
"Shit! Oo nga!" napabalikwas ako sa kama at dumiretso sa CR. Naririnig ko mula dito ang tawa niya.
"I'll just prepare your breakfast, amore," at narinig ko na ang pagsarado ng pinto ng kwarto.
Inalis ko muna nang dahan-dahan sa daliri ko ang engagement ring na bigay niya sa akin. Bago maghubad ng dami para maligo.
Katatapos lang namin magcelebrate ng pasko at bagoong taon sa isla, sobrang saya naming lahat, yun na ata pinakamasayang celebration ang naranasan ko miski ang pamilya ko.
Nagpalipas lang kami ng ilang araw pa doon sa isla at bumalik narin kami dito sa bahay namin. Si Peter at Riza naman ay bumalik na ng Italy.
Mayroong operation na kailangan gawin si Alex at kailangan niya bumalik agad kaya na pagdesisyunan namin na umuwi nalang at sa operation niya na gagawin ay ako ang kinuha niyang assistant. Kaya halong excitement at kaba nararamdaman ko dahil ilang buwan rin akong tumigil mula sa pagiging E.R. surgeon sa hospital nila Jake.
"Sunny? Come on now; I don't want you to get colds." Sigaw niya mula sa labas habang kinakatok ang pintuan.
"Okay, just a minute, Raven."
Inabot ko na agad ang towel na nakasabit sa gilid ng sliding door at tinapis sa katawan ko. Kinuha ko pa ang isang towel para naman ipulupot sa buhok ko sabay suot ng engagement ring ko.
Pagtapos ko magpunas ng katawan, agad akong lumabas ng CR. Bumungad sa akin ang matamis na ngiti ng babaeng mapapangasawa ko.
"B-Bakit?" nahihiya kong tanong kasi nakatitig siya sa akin habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Nothing; you're just beautiful enough."
Kinagat ko agad yung labi ko para pigilan yung ngiti ko. Alam mo yung sinabi niya yun habang yung boses niya ay morning voice? Yung medyo husky pa.
"Stop it, Raven, please? Wala akong underwear pero feeling may nalaglag sa akin!"
Napa-face palm nalang ako sa sinabi ko, hindi ko napigilan!
"Che cosa? I don't understand—why are you turning red? Hey—wait up!"
Tinulak tulak ko siya palabas ng pintuan dahil alam ko sobrang namumula ako sa sinabi ko. Inis! bakit kasi ganito epekto sa akin ng babaeng ito? sobrang lakas.
"I'll wait for you down stairs!" narinig kong sigaw niya kaya nagmadali narin akong mag damit dahil baka malate ako sa procedure ko.
Pagtapos ko magdamit kinuha ko yung phone ko sa drawer sa side table ko. Oo, NASA drawer. Doon ko nilalagay dahil ayoko mabasa ni Raven kung ano man ang mga pananakot na tinitext sa akin ni Jake. Hangga't maaari itatago ko ito hanggat kaya ko. Pero mula nung dumating kami wala pa ako ulit natatanggap at sana mag tuloy-tuloy na.
Pagbaba ko, agad kong na amoy ang mabangong pancake, kaya lalong kumulo ang tiyan ko. Ang sarap kung araw-araw ganito ang umaga ko.
"Circe! Baby!" agad na tumakbo sa akin ang baby namin na sobrang bilis lumaki.
"Come here, Amore, you need to eat first." Tinigil ko ang pakikipag laro kay Circe tsaka umupo sa tapat ni Raven.
Nilagyan niya agad ng laman yung plato ko at ako? Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa lahat ng ito.
"Why are you looking at me?" Tanong niya habang hinihiwa ng maliliit yung pancake sa plato ko.
"N-Nothing... sobrang swerte ko lang sayo."
BINABASA MO ANG
Tame (GirlxGirl Book 2 )
RomanceBook 2 Biglang nawala si Raven matapos ang ilang taon na inakala ni Sunny siya ay patay na matapos niyang mabasa ang liham nito limang taon ng nakakalipas. Hindi niya inaakala na sa araw mismo ng kasal niya muli niyang makikita ang pinaka mamahal, s...