Chapter 17

3.1K 160 10
                                    

Sunny

Isang malakas na pagsigaw ang nagpamulat sa mga mata ko, ngunit pagmulat ko ay kakaiba ang paligid kung nasaan ako. Nakahiga ako sa gitna ng isang gubat sa ilalim ng bilugan na buwan.

"N-Nasaan ako?" Luminga linga ako ngunit walang ibang tao kung hindi ako lang. Kinapa ko pa ang sarili ko dahil sa pagkaka alala ko ay binaril ako ni Jake ngunit isang sugat ay wala akong nahawakan.

Ramdam ko ang malamig na hangin na humahaplos sa mga balat ko. Tunay nga na nasa gitna ako ng gubat, pero paano ito nangyari? Ang huli kong natatandaan ay dinukot kami ni Jake at...at p-pinatay siya ni Raven. Napatayo ako at muling inikot ang mga mata ko, nakatakas ba kami ni Raven? Kung oo, nasaan siya?

"Raven?"

Napalingon ako sa likod dahil pansin kong may nagmamasid sa akin. Naglakad ako ng dahan- dahan ngunit natigil na naman ako dahil may naririnig akong kaluskos sa paligid na nagpakabog na sa puso ko. Kailangan ko mahanap si Raven, natatakot akong mag-isa sa madilim na gubat na ito.

"Raven...nasaan kana ba?" bulong ko sa hangin, nag nanais na makarating ito sakaniya.

Yakap-yakap ko ang sarili ko habang tinatahak ang madilim at malamig na gubat, hindi ko na inalintana ang napapansin kong mga kaluskos at ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin dahil kung pagtutuonan ko ng pansin ay tiyak kong may hindi magandang mangyayari sa akin, natatakot ako na baka kung ano ang makita ko sa dilim.

Sa paglalakad ko ay may isang bahay akong nakita sa di kalayuan. Mukha itong sinaunang bahay na gawa sa mga pinagpatong patong na katawan ng malalaking puno.

Lumapit pa ako at sinilip ang bintana upang makita ko ang loob, pero sa dilim ay wala rin akong makitang kahit ano. Kumatok ako ngunit walang sumagot, papasok ba ako o hindi? Lumaki ang mga mata ko sa unti-unting paglapit ng kaluskos mula sa likod ko, kaya nagmamadali akong pumasok sa loob ng madilim na bahay na ito. Ni-lock ko agad ang pintuan ngunit ang kaluskos ay unti unting naging kalampag sa pintuan na kinatayo ng balahibo ko sa takot, napaatras ako hanggang sa nawala ang pagkalabog ng pintuan. Napaluhod nalang ako sa lapag habang hawak ang puso kong balot ng takot.

"A-Ano bang nangyayari?! Raven, nasaan kana ba? Natatakot ako..." unti-unting namumuo ang mga luha sa mata ko. Wala akong naiintindihan sa nangyayari... hindi ko alam kung nasaan ako o kung nasaan si Raven.

"Raven, pakiusap, nasaan ka ba?" pinunasan ko ang munting luha sa mga mata ko at muling inipon ang lakas ko para makatayo. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Para akong pagod na pagod at hinihingal? Ano ba talagang nangyayari?

Napatingin ako sa bintana dahil may nakita akong dumaan na malaking anino at sobrang bilis nito. Tingin ko ay isa itong hayop, ito ba ang kanina pang sumusunod sa akin?

Sinimulan kong libutin ang lumang bahay at sa bawat hakbang ko ay maririnig ang ingit ng lumang kahoy sa lapag. Ang bahay na ito ay tila matagal ng inabandona kahit may pa ilan ilang gamit sa loob nito ay hindi matatago ang dumi at alikabok sa paligid. Naglakad pa ako hanggang sa matagpuan ko ang isang maliit na kwarto, sa loob ay isang puting kama habang may nakapatong sa ibabaw nito.

Dahan-dahan akong lumapit, ngunit napansin kong may nakatingin na naman sa akin, pero sa paglibot ng paningin ko ay wala naman akong nakitang kahit ano. Sinarado ko agad ang pintuan ng kwarto at kinuha ang gamit na nakapatong sa ibabaw nito. Nang maaninagan ko ang bagay ay isa pala itong salamin. Kinuha ko ito at dahan dahang tinignan ang sarili ko dito.

"A-Anong..." sa gulat ko sa nakita ko ay nabitawan ko ang salamin. Ang tunog nang na basag na salamin ang umalingawngaw sa buong paligid kasabay ng isang malakas na angil ng hayop na nagmumula sa likuran ko... nanginginig ang katawan kong humarap dito at hindi ko inaasahan ang sa harapan ko ang isang malaking hayop na nakatitig sa akin.

Tame (GirlxGirl Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon