Sunny
Hindi ko namalayan na nakatulog pala kaming dalawa ni Raven, tulog na tulog siya habang nakaharap sa akin, kaya nagkaroon ako nang pagkatataon na nakawan siya ng halik.
Napangiti ako habang patuloy na tinititingan siya. Ang ganda ganda mo talaga. Napansin ko sobrang ingay na naririnig ko mula sa labas. Pagtingin ko sa balkonahe, madilim na pala, kaya tumayo ako at tiningnan kung anong oras na sa cellphone ko, ala sais na pala. Kaya dahan-dahan kong tinapik si Raven agad naman siyang nagising at yumakap sa braso.
"Antok pa rin?"
"Si amore," parang siyang baby nakapikit pa mata niya habang tumatango tango.
"Bangon na kasi gabi na, magdidinner na tayo, at mukhang nagkakasiyahan na sa baba." Pilit ko sakaniya, agad naman siyang sumunod.
Naghilamos kami nang sabay bago bumaba. Nakita naming na nagkakantahan sila Kim at Geoff, habang sila Peter naman at Inang ay nagkukwentuhan, pati si Riza at Alex. Ang saya talaga na nakikita ko silang ganito, para kaming isang malaking pamilya.
"Look at them; they're enjoying themselves," bulong ni Raven sa akin.
"At sobrang saya ko dahil ganito yung family natin," hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako.
"Hoy! Kayo dyan! Tama na yan!" Si Kim habang naka mikropono pa.
Pagtingin ko sa kainan na mahaba, nakahanda na lahat ng pagkain at sobrang dami nito.
"Uni, buti gising na kayo, kanina pa namin kayo hinihintay para makakain tayo nang sabay." Napakamot naman ako sa ulo.
"Sorry po, Inang. Napasarap kasi yung tulog namin, pero sana ginising niyo nalang kami nakakahiya naman."
"Come on, let's eat all together." Pag-aya ni Raven, kaya lahat nag punta sa lamesa.
Napansin ko ang kalahati ng lamesa ay puro Filipino cuisine at ang kalahati ay masasabi kong Italian food.
"Sino po ang nagluto, Inang?" Tanong ko habang ngumunguya, hindi ko rin mapigilan mapapikit kasi ang sarap talaga.
"Ako at si Peter."
"Do you like it, Sunny?" si Peter na kamukhang kamukha si George Clooney.
"It's perfect, Peter." Ngumiti lang siya at nagpatuloy kumain ulit.
"So tell me, Sunny, when do you guys plan to get married?"
Halos mabuga ko yung laman ng bibig ko sa tanong ni Riza, kaya agad akong inabutan ng tubig ni Raven.
"Thank you," bulong ko sakaniya habang hinihimas niya yung likod ko. Napatingin ako kay Raven, kasi hindi ko alam yung sasagot ko kay Riza.
"Uhm, we don't have any plans yet...maybe soon."
"Pa virgin yung sagot," narinig kong may bumulong at kilala ko kung sino yun.
"Raven, you should marry this girl as soon as possible. I like her for you." Napangiti naman ako.
Natapos yung hapunan namin na napuno ng kwentuhan at tawanan. Mayamaya pa ay naglabas si Peter ng limang bote ng white wine at dalawang bote ng whiskey.
"Walwal ng sosyal." Natawa ako nung narinig ko si Kim. Parehas kaming tameme dito habang nilalabas ni Peter yung nga bote.
Nagready si Raven ng mga glass wine. Lumapit na rin ako, at tinulungan siya nakangiti lang kaming dalawa habang nagprepare.
Halos lahat ay nagkuhaan ng maiinom maliban kay ChiChi at Inang. Pinagbawalan ko kasi siya dahil may edad na. Ang sabi ko sakaniya ay magjuice nalang siya at ipagtitimpla ko pa siya, kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod.
BINABASA MO ANG
Tame (GirlxGirl Book 2 )
RomanceBook 2 Biglang nawala si Raven matapos ang ilang taon na inakala ni Sunny siya ay patay na matapos niyang mabasa ang liham nito limang taon ng nakakalipas. Hindi niya inaakala na sa araw mismo ng kasal niya muli niyang makikita ang pinaka mamahal, s...