Sunny
Ang ganda nang gising ko dahil sa nangyari sa amin kagabi, hindi ko expect na susurpresahin niya ako.
Yun bang simpleng effort lang niya, sobrang nakakataba ng puso, kapag na aalala ko kung paano niya ako isayaw kagabi ay para kaming bumalik sa nakaraan, kung paano niya ako sinayaw noong college kami. Walang pinagbago ang nararamdaman ko sakaniya at lalo pang lumalala.
Tiningnan ko ang wrist watch ko habang papasok ng hospital nung mapansin ko tila magaang ang bulsa ng pants ko. Kinapa ko pa ito pero walang laman, kaya minabuti kong gumilid muna upang 'di ako humarang sa entrance at nagsimula kong hanapin ang cell phone ko sa bag.
"Saan na ba na punta yun?" Kinakabahan ako kase baka naiwan ko sa bahay o sa kotse.
"Shit!" Baka naiwan ko sa kotse. Baka mabasa ni Raven yung mga pananakot sa akin.
Nagmamadali akong bumalik sa loading zone, pero wala na si Raven.
Naglakad ako palabas ng compound ng hospital baka maabutan ko pa si Raven dahil may stop light dito. Nang biglang may tumigil na itim na sasakyan sa tapat ko.
Apat na lalaki ang agad na bumaba tila ba kakainin ako nang buhay. Nakaramdam ako nang kaba, agad akong tumakbo pero nahablot nila ang bag ko at hinila ito kaya pati ako napasama.
"Dito kalang! Saan ka pupunta?!" tila lalabas ang puso ko sa takot, iba't iba ang pangyayaring pumapasok sa isip ko.
Sigaw niya sa akin habang nagpupumiglas ako "Tulong! Tul-" tinakpan niya ang bibig ko ng panyo na may kakaibang amoy. Pinilit ko pang hindi huminga para hindi ito masinghot habang nagpupumiglas ngunit bigla akong nakaramdam ng hilo.
"Tulo-" pinipilit kong imulat ang mga mata ko pero tinatraydor ako nito, nararamdaman kong pamamasa ng gilid ng mata ko sa sobrang takot na kung ano ang mangyari sa akin. Hanggang sa naging malabo na ang paningin ko at unti-unting dumilim ito.
"Raven," ang huling salita na kaya kong banggitin bago mawala ang lahat.
Nagising ako sa malakas na boses na naririnig ko—unti-unti kong minulat ang mata ko, sobrang labo nang nakikita ko. Naramdaman ko ang mahigpit na gapos ng mga kamay ko.
Halos hindi ko mahabol ang paghinga ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
"Tulong!" sigaw ko nang paulit-ulit pero parang walang nakakarinig sa akin sa lumang silid na ito.
"Tulong! Tulungan niyo ako!" patuloy sa pagluha ang mga mata ko natatakot ako nang sobra.
"Raven, tulungan mo ako!" Napahagulgol na lamang ako sa sobrang takot na nararamdaman ko.
"Kung nagpakasal kalang sana sa pinsan ko hindi sana tayo aabot sa ganito." Isang pamilyar na boses ang narinig kong nagsalita mula sa madilim na parte ng silid.
"Sino ka! Pakawalan niyo ako! Ano bang gusto niyo?! Pera?!" Rinig na rinig sa buong kwarto ang tawa niyang mala demonyo.
"Sino may sabi na gusto naming ng pera? Ang gusto namin ay ikaw, Sunny!" Pagsigaw niya ng pangalan ko para akong nanigas sa kinauupuan ko nanlamig ang mga daliri ko.
"Na surpresa ka ata? Long-time no see," ngumisi siya sa akin, pero na nanatili akong nakatitig sakaniya.
Bakit siya nandito? Siya ba nagpadakip sa akin?!
"Ano ba itong ginagawa mo Jess! Pakawalan mo ako! Ipapakulong kita! Gago ka!" Pero imbis na matakot lalong tumapang ang mukha niya at lumapit sa akin napalunok ako sa kaba. Nagulat ako nang bigla niyang ikutin ang kamay niya sa leeg ko.
"B-Bitiwan mo... ako..." Hindi ako makahinga sa ginagawa niya, "J-Jess..."
"Hirap bang huminga?" Namamanhid na ang mukha ko alam kong pulang pula na ako pero wala ako magawa kahit anong galaw ang gawin ko sa kinauupuan ko wala akong magawa.
BINABASA MO ANG
Tame (GirlxGirl Book 2 )
RomanceBook 2 Biglang nawala si Raven matapos ang ilang taon na inakala ni Sunny siya ay patay na matapos niyang mabasa ang liham nito limang taon ng nakakalipas. Hindi niya inaakala na sa araw mismo ng kasal niya muli niyang makikita ang pinaka mamahal, s...