Sunny
"Akala niyo ba hindi ko alam?"
Para akong na pako sa kinauupuan ko, ni hindi ko maigalaw ang panga ko sa sobrang gulat.
Paanong? Hindi ko maintindihan, hindi ko sinabi kailanman sa kaniya ang totoo pero paano. Ano ba itong sinasabi niya?"Hindi ko talaga alam, in a sense nang tulad ng sinasabi niyo. Well, alam ko lang ay hindi ka ordinaryong tao, pero hindi ko inaasahan na mas higit kapa sa tao."
Diretsong titig ni Kim kay Raven na ngayon nakatitig rin sa kaniya dahil parehas kaming nagugulat sa mga sinasabi niya.
"Kailan nga ba yun? Hmm..." nagporma pa siyang nag-iisip kaya lalo akong kinakabahan.
"A-Ang alin?" Nanginginig pa ang boses ko dahil tila lalabas puso ko sa kaba.
"Ah! Yung gabi na tumawag ako ng dorm security." Nakangiting sabi niya pero naguguluhan pa rin ako, hindi ko siya maintindihan.
"Pauwi na ako noon sa dorm nang makita ko may nagkukumpulan sa gilid ng highway tapos nakita ko sila Jess kasama mga tropa niya may binubugbog. Nung una hindi ko kilala pero nang makita kitang patakbong papalapit sakanila doon ko na realized bigla kung sino ang pinagtutulungan nila."
Diretso siyang tumingin kay Raven bago nagsalita ulit. Natatandaan ko pa ang pangyayaring iyon. Yun yung gabing hindi lumaban si Raven kila Jess dahil lang sa nangako siya sa akin na hindi siya mananakit ng iba. Doon ko sobrang na realized kung gaano niya ako ka mahal para gawin yun.
"Teka-" magsasalita pa sana ako pero agad niya akong pinutol.
"Tumawag ako ng dorm security para awatin sila Jess pero na pa tigil ako kasi parang isang kisap mata lang, para bang naging isang langgam na walang kalaban laban si Jess nung tumilapon siya sa kabilang side ng highway." Na pa ngiti siya bigla habang nagku-kwento
"Saglit, nandoon ka nung time na 'yon? K-Kung nandoon ka, bakit mo pa ako kinukulit sa nangyari kinabukasan? Ano yun?" Ngayon lang nagsink in lahat ng nangyari sa akin nung mga panahon na 'yon.
"Wala lang. Gusto ko lang malaman kung sasabihin mo ba sa akin ang totoo o hindi," halos walang reaksyon niyang sagot. Ibang klase talaga tong tao to hindi mo malaman ang ugali.
"Alam niyo ba inalog ko pa yung ulo ko para magsink in sa akin kung pano mo nahagis si Jess nang ganoon kalayo at kalakas." Tapos bigla na lang siyang natawa na kinagulat ko. Para tuloy siyang nasisiraan ng bait dahil kanina lang ay ang seryoso niya tapos biglang ngayon tatawa.
"Parang anime ang pucha!" palakas nang palakas yung tawa niya na miski ako medyo natatawa na rin sa kinikilos niya.
Tumingin ako kay Raven na pa pailing nal ang siya, parehas kaming walang masabi sa pinagsasasabi ni Kim.
"Hay! Ayoko na, pagod nakong tumawa. Sakit ng tiyan ko, bwisit kayo." Hinampas ko siya sa braso.
"Anong bwisit? Eh, ikaw lang naman nag sasalita tas kami pa ang bwisit?"
"Pero... ang cool nang sinabi niyo sa akin," sabay ayos niya ng upo.
"So, yun pala ang katotohanan?" Seryoso na naman siya. Minsan iniisip ko kung nabaliw na ba talaga siyang tuluyan o talagang na untog lang siya nung pinanganak siya, alin lang sa dalawa.
"Dumating pa nga sa punto na nagstalk ako nang tungkol sayo. Since walang sinasabi si Sunny na background mo, gusto ko malaman kung ano ba ang sikreto mo, Vierci." Ngayon seryoso na naman siya.
"Alam mo nung nawala ka, I really tried my best to find you. Lalo nung nakita ko yung sulat mo doon ako lalo nagkalakas ng loob na hanapin ka, na alam ko may nangyayari sayo na 'di mo masabi kay Sunny... wala kasi siyang ibang ginawa kundi ngumawa nang ngumawa nung nawala ka. Nakakarindi kaya!" Nakaramdam ako ng hiya dahil alam ko naging pabigat ako sa ibang tao nung mga panahong iyon.
BINABASA MO ANG
Tame (GirlxGirl Book 2 )
RomanceBook 2 Biglang nawala si Raven matapos ang ilang taon na inakala ni Sunny siya ay patay na matapos niyang mabasa ang liham nito limang taon ng nakakalipas. Hindi niya inaakala na sa araw mismo ng kasal niya muli niyang makikita ang pinaka mamahal, s...