Sunny
Nagising ako sa mabangong amoy na humahalimuyak sa buong kwarto. Dahan-dahan akong umupo at sumandal habang hawak ang puting kumot na tanging tumatakip sa katawan ko.
Napansin ko agad na wala si Raven sa tabi ko, kaya napadapo ang mata ko sa balkonahe kung saan siya ay nakasandal sa gilid. Ang suot niya lang ay ang puting sleeves niya habang humihigop ng kape.
Napalunok sa itsura niya. Imagine mo nalang yung itsura niya na ang messy hair, tanging suot niya ay yung sleeves niya, kaya kitang kita yung legs niyang makinis at yung ganda niyang nakakaakit. Oh, gosh.
Nagulat ako nang mapatingin siya sa akin.
"Buongiorno, mi amore." Naramdaman ko nalang ang pag-init ng pisngi ko, kaya napatakip ako ng kumot sa kalahati ng mukha ko. Bakit ba kasi sobrang ganda ng girlfriend ko? Kahit ako, 'di ko kinakaya."Hmm? Are you not feeling well?" lalo akong napakapit sa kumot na tumatakip sa mukha ko, hindi ko alam bakit, pero hindi naman ito first time na may nangyari sa amin. Ewan ko ba, mahal ko lang talaga siya nang sobra.
"O-Okay lang ako," dahan-dahan siyang lumapit sa akin pagtapos niyang ipatong yung iniinom niya sa lamesa.
"Are you hungry?" Tanong niya habang inaayos yung buhok ko.
"Hindi pa naman—anong oras na ba?"
"It's only seven in the morning; are you still sleepy?" Tiningnan ko lang siya at napangiti.
Madalas naiisip ko kung anong ginawa ko at paano ako naging deserving na matagpuan at makilala siya. May panahon na matatanong natin yung tadhana kung paano tayo naging deserving sa mga taong nasa tabi natin ngayon.
"Mi amore?"
"Po?" narinig ko nalang na tumawa siya.
"You're zoning out, amore; what are you thinking?" Niyakap ko siya nang mahigpit.
"Nothing, I just love you this much." Naramdaman ko nalang ang braso niya ay pumulupot sa bewang ko, at niyakap din ako nang mahigpit.
"And I love you too, this much." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tinulungan ko makatayo nang ayos.
"Amore, let's go down and have some breakfast." Tumango lang ako sakaniya at nagpunta na ako sa CR para makapaghilamos. Habang nasa loob, napansin kong may nakadikit sa salamin na sticker.
'You don't need to use this; you're already beautiful.'
Hindi ko maipinta ang mukha ko sa kilig nararamdaman ko habang naghihilamos.
Anong ginawa ko para maging deserving?
Nagsuklay lang ako saglit at lumabas na ng CR. Agad na bumungad sa akin ang isang pirasong puting bulaklak katabi ang isang puting dress na agad kong sinuot.
Saktong sakto sa akin at sobrang bango nito. Umaga palang pero parang hindi na kakayanin ng puso ko ang kilig na nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim tsaka lumabas ng kwarto, agad na humalimuyak ang bango ng pinaghalong amoy ng kape at pancake isama mo pa ang malamig na paligid dahil mamayang gabi ay pasko na.
Dahan-dahan akong bumaba, at nakita ang lahat na kumakain sa kainan habang nagkukwentuhan, pero wala si Raven sa mga taong nakapaligid sa baba.
"Buongiorno, Sunny."
Agad akong napatingin kay Peter na nakangiting bumabati sa akin habang nakaupo at may hawak hawak na kape at libro, ngumiti din ako at binati siya ng magandang umaga.
"You look wonderful." Habol pa niya.
"Thank you, Peter," agad niyang tinuro ang tapat na couch, "come join me," tumango naman ako medyo kinakabahan lang kapag kausap ko siya feeling ko, kasi binabasa niya ako.
BINABASA MO ANG
Tame (GirlxGirl Book 2 )
RomanceBook 2 Biglang nawala si Raven matapos ang ilang taon na inakala ni Sunny siya ay patay na matapos niyang mabasa ang liham nito limang taon ng nakakalipas. Hindi niya inaakala na sa araw mismo ng kasal niya muli niyang makikita ang pinaka mamahal, s...