Sunny
Maaga akong nagising dahil sa sumilay na liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana.
Malamig ang klima dito, pero hindi ko ramdam dahil sa init ng katawan ko, siguro dahil sa kaba na nararamdaman ko. Maaga akong naligo at nag-ayos ng sarili ko habang suot ang bathrobe. Umupo ako sa tapat ng salamin at tiningnan mabuti ang sarili ko.
Totoo na ba talaga ito? Ito na ba yung araw na pinakahihintay ko? Parang na nanaginip lang ako...tinapik-tapik ko ang pisngi ko nagbabakasakali na baka panaginip lang pero hindi, totoo na ito, totoong ikakasal ako ngayon sa babaeng hinintay ako ng daang taon para lang makasama ako.
"Sunny! Buksan mo itong pinto! Tanghali na! May balak ka ba talaga magpakasal?" Napailing nalang ako sa sunod-sunod na katok ng siraulong best friend ko.
Tumayo ako para pagbuksan siya ng pinto, nakita kong naka ayos na siya ng buhok, pero nananatiling naka bathrobe parin siya tulad ko.
"Kim, wag kang manira ng pinto dito dahil wala tayo sa Pilipinas! Nakakaloka ka." Inirapan niya lang ako, kaya bumalik nalang ulit ako sa pag kakaupo ko sa harap ng salamin.
"Sa mapapangasawa mo naman itong hotel kaya okay lang," pagrarason pa niya na kinatirik ng mata ko.
"Take note, kila Peter ito hindi kay Raven," sabay suklay ng buhok ko.
"Parehas lang yon, teka ano? Ready kana ba? Papapasukin ko na mag-aayos sayo." Tiningnan ko ang repleksyon niya sa salamin sabay tango.
"Alex baby, please do the honor," sabay pasok ni Alex na as usual, sobrang ganda. Minsan hindi parin maalis sa isipan ko kung paano na inlove si Alex sa siraulong kaibigan ko, maniniwala na ba ako na nag-exist din ang gayuma?
"Good morning, Alex," bati ko agad sakaniya. Sinalubong niya ako ng halik sa pisngi at matamis na ngiti.
"Good morning Sunny, ready kana ba?" Ngumiti ako sakaniya at tumango.
"Kinakabahan ako." Natawa lang siya sa akin habang tinatapik ang magkabilang balikat ko. Ninenerbyos ako sa totoo lang, pakiramdam ko ay na nanaginip na naman ako.
"Wag ka mag alala—ngayong ikaw ang pinaka magandang babae sa mundo."
Sinimulan niya akong ayusan habang buong puso akong nagtitiwala sa ginagawa niyang ayos sa akin. Silang dalawa rin ni Kim ang pumili ng isusuot kong wedding dress, sobrang hands-on nilang dalawa sa kasal ko at handa akong ibalik ang lahat ng tulong nila sa oras na sila naman ang ikasal sa hinaharap.
"Relax kalang, Sunny. Wag kang maging stiff." Ganoon ba ako ka nerbyos para sa araw na ito?
"May werewolf bang nerbyosa?" Tinaasan ko ng kilang ang mokong na ito.
"Bibig mo, Kim! Tatadyakan kita dyan. Baka may makarinig sa iyo." Impit na tawa lang ni Alex ang sunod kong narinig, habang patuloy siya sa pag-aayos ng buhok ko. Ginawa niyang nakapusod ang buhok ko at may iilang piraso ang naka laglag na buhok. Simple lang pero elegante.
"Alam mo Alex, hindi ko alam paano mo natagalan yang mokong na yan." Seryosong tanong ko sakaniya, pero patuloy siya sa ginagawa niyang pag-aayos sa akin.
"Dahil kapag mahal mo ang isang tao Sunny, tatanggapin mo kung sino sila noon at kung sino sila ngayon...kahit pa ganyan ang itsura," sabay turo kay Kim. Hind ko napigilan tumawa nang malakas sa sinabi ni Alex, akala ko sobrang romantic na may bali pala sa dulo.
"Tawang tawa ang gago." Nakahalukipkip lang siya habang ako halos maluha luha na katatawa ramdam na ramdam ko yung inis niya sa akin.
"Sorry na," inikot ni Alex ang upuan at sinimulan na lagyan ako ng make up.
BINABASA MO ANG
Tame (GirlxGirl Book 2 )
RomanceBook 2 Biglang nawala si Raven matapos ang ilang taon na inakala ni Sunny siya ay patay na matapos niyang mabasa ang liham nito limang taon ng nakakalipas. Hindi niya inaakala na sa araw mismo ng kasal niya muli niyang makikita ang pinaka mamahal, s...