Sunny
Damang dama ko ang init ng yakap niya habang nakaupo kami at pinagmamasdan ang papalubog na araw.
Sabi nila, isang beses mo lang matatagpuan ang taong gusto mong makasama habang pasikat at palubog ang araw, at siya na yun. Ang babeng katabi ko ngayon.
"Guys, please. Wag masyadong intimate at may gabi pa." Tumirik lang ang mata ko sa narinig kong boses habang impit na tawa ang pinakawalan nang magandang babae na katabi ko.
Mayamaya pa ay natanaw na namin ang rest house. Nauna ulit bumaba si Raven habang inaalalayan ako.
Naglakad kami padalampasigan habang naapakan ko ang pinong pino at puting buhangin na dumidikit sa munti kong mga paa. Papasok palang kami ay naamoy ko na ang nilulutong pagkain at sobrang bango nito.
"Ate Raven!" agad na takbo ni Chichi payakap sa mahal ko.
"Talagang kay Ate Raven mo ikaw unang bumati, ah?" sita ko sa batang ito pero binelatan lang niya ako.
"Welcome home, family." Agad na bati ni Peter samin habang nakangiti ito. Lumapit siya sa akin at agad akong hinalikan sa magkabilang pisngi. Medyo nagulat ako doon at nanigas ang katawan ko dahil, 'di ako sanay sa pagbati nila.
"I hope you had a great time roaming around the town." Tumango ako sakaniya at siya namang ngiti nito.
Medyo naiilang pa ako sakanila dahil nakaka intimidate sila. As in, pakiramdam ko mga Hollywood actors and actresses ang pamilya ni Raven dahil sa mga itsura nila.
"Yes, we had a great time, Peter." Sagot naman ni Raven habang nakahawak sa kamay ko.
"Come along, let's prepare the Christmas tree and the lights," si Riza habang tinutulungan sya nila Geoff at Isaac mag sabit sabit ng palamuti sa Christmas tree.
"Go upstairs first, mi amore; you take a rest first, okay?" umiling ako sakaniya dahil gusto kong tumulong kahit pagod nga ako kalalakad.
"Go on, A. I can see in your eyes that you're tired." Alam mo yung napapikit ng kusa yung mga mata ko ng haplusin niya yung pisngi ko? Sobrang kiliti sa tiyan yung naramdaman ko.
Wala na akong nagawa dahil yung epekto ng haplos niya sa akin ay talagang mapapa 'Oo' ka nalang.
Umakyat na ako sa taas at saglit na humiga sa malambot naming kama. Kapit na kapit ang amoy ni Raven sa kumot at unan namin kaya napangiti ako mag-isa dito.
Umupo ako sa gilid ng kama at nagdasal nang taimtim. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng bagay na mayroon ako ngayon, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, at ang pinaka magandang regalo na binigay Niya sa akin. Sana hindi na matapos ang kasayahan na nararamdaman ko ngayon, wala na akong hihilingin pa sa buhay ko dahil kuntento na ako sa mayroon ako.
"Thank you, Lord." Bulong ko sa hangin dahil alam ko nakikinig Siya sa akin.
Tumayo na ako at nagpuntang comfort room para maghilamos kaunti. Pagtapat ko sa salamin may nakadikit na naman dito.
'Forever can never be long enough for me.'
Agad na umukit ang ngiti sa mga labi ko. Wala talagang katapusan ang surpresa ng babaeng ito. At hindi ako mapapagod tanggapin lahat.
Nagpunas ako ng mukha ko habang papalabas ng CR. Napadako ang mata ko sa aparador na katabi ng kama namin.
'Open me'
Teka, bakit hindi ko manlang napansin ang mga nakadikit na sticker dito?
Agad akong lumapit at binuksan ang dalawang pinto ng aparador at siyang tumambad sa akin ang isang puting bistida na di hamak na mas maganda sa bistidang suot ko kanina.

BINABASA MO ANG
Tame (GirlxGirl Book 2 )
RomanceBook 2 Biglang nawala si Raven matapos ang ilang taon na inakala ni Sunny siya ay patay na matapos niyang mabasa ang liham nito limang taon ng nakakalipas. Hindi niya inaakala na sa araw mismo ng kasal niya muli niyang makikita ang pinaka mamahal, s...