Narrator's POV
"Gago ka Kobe, sabi ko sayo umakto ka lang na parang ako. Masyado kang madikit eh may paakbay ka pa!" Kita mo tong Zeke na to sya na nga lang humihingi ng tulong ganyan pa.
"Aba gago ka rin. Ano bang ugali mo sa kanya? Di ba sweet? Kaya ganun ginawa ko, hindi naman sya umangal."
"Aish. Oo na, basta wag lang masyadong madikit."
"Hanggang kailan ba tayo magpa-panggap kay Abigail na ako si Taetae na ka-rs nya?"
"Ewan ko, basta wag mo nalang muna sasabihin kay Abi na ako talaga si Taetae." Awww, paasa po sila hays.
"Ano!?! Kuya naman! Ano ba 'yang kagaguhan nyo ni Kobe?" Ay hala sht, narinig ni ate girl na sister ni Zeke.
"Putek! Kanina ka pa ba nandyan Moira? Edi narinig mo lahat?" Uy kabado si Zeke.
"Alam nyo kung mag-uusap kayo yung wag malakas okay? Papasok palang ako sa loob naririnig ko na kayo, ingay nyo ni Kobe!" Lesson learned, wag maingay pag nag-kkwentuhan ng mga private things.
"So ano nga? Narinig mo lahat?" Napapa-crossfingers pa si Kobe at Zeke kasi kinakabahan sila. Alam kasi nilang medyo may galit si Moira kay Abi, you know girls will always be girls. Mga plastic.
"Yup." Iniwan sila ni Moira na nakaka-tiwangwang ang mga bibig, uy laway nyo tumutulo na yaaak!
YOU ARE READING
Liar, Liar
Humoran RPW story. by lavidalunaa, 2018. ♡ Highest Rank Achieved: #6 in rpw #4 in roleplayer (current) #4 in markse #9 in roleplaying