Narrator's POV
Hinahabol ngayon ni Zeke si Abi na tumatakbo, sumunod na rin si Sophie at Kobe sa kanila. Si Francisco nakikipag-rambol pa din kasi qiqil sya!
"Abigail!" Sigaw nilang tatlo ng makita nilang nadapa si Abi. Lumapit si Zeke at akmang tutulungan sana sya pero tinabig lang ni Abi ang kamay nya. Arti.
"Abi..." Sambit ni Kobe saka lumapit sa kanya.
"Pumayag ka sa kagaguhan na 'to Kobe? Para saan? Para pag-tripan ako?!" Humahagulgol man ay pilit nagsalita si Abi.
"Oo kasi natalo ako sa game namin saka kasi sabi ni Zeke ako naman raw ang gusto mo... Na baka raw pag nalaman mong sya yung OP ni Exbattaelion hindi mo sya magustuhan... Si Zeke talaga yung kausap mo kahit sa RA o RP man." Paliwanag ni Fafa Kobe. Hays
"Dapat talaga matagal ko nang sinabi to sayo eh!" Sambit ni Sophie habang umiiyak rin, syempre umiiyak si BFF dapat sya rin.
"Alam mo to Sophie??? Ano pa bang tinatago nyo sakin?! Tangina sabihin nyo na lahat para isang bagsakan nalang!!!"
"Ayun dapat yung sasabihin ko sayo... Na narinig ko yung usapan ni Marcella at Moira sa cr last week, at plinano nila to... Hindi ko lang masabi kasi palaging wrong timing... Sorry sis sorry..." Sambit ni Sophie habang umiiyak.
"Bakit Zeke? Sa tingin mo ba hindi kita magugustuhan? Nagustuhan ko yung RP mo ikaw pa kaya na OP nya? Ang baba ng tingin mo sa sarili mo Zeke..."
"Sorry Abi... Hindi ko naman alam na aabot sa ganito eh... Ito sana yung sasabihin ni Kobe kasi nako-konsensya na kami..."
"Sana nung una palang sinabi mo na ikaw yung OP ni Taetae. Hindi ka naman mahirap mahalin Zeke... Sana natanggap ko pa... Sana ikaw nalang yung minahal ko hindi si Kobe..." Napaupo sa damo si Abi dahil hindi na nya nakayanan ang mga nangyayari ngayon.
"Sorry Abigail... Sorry... Mahal kita... Mahal na mahal kita..." Hindi na rin napigilan ni Zeke na mapaiyak.
"Sinungaling ka Zeke manloloko! Liar, liar!" Tumayo ulit si Abi at tumakbo. Hindi nya alam kung saan sya pupunta.
Iniisip nya ngayon kung ano ang naging kasalanan nya para maramdaman 'tong kabullshitan na to.
"Sana hindi nyo na ginawa Zeke... Sinaktan mo sya..." Isang sampal ang iginawad sa kanya ni Sophie saka sinundan ang kaibigan.
Si Zeke naman at Kobe nanatili sa may pwesto nila.
"Tol okay lang yan... Maaayos rin natin yan." Pag-alo ni Kobe sa kaibigan nya, hindi to kaplastikan.
"Sana nga tol... Mahal na mahal ko kasi si Abigail..."
YOU ARE READING
Liar, Liar
Humoran RPW story. by lavidalunaa, 2018. ♡ Highest Rank Achieved: #6 in rpw #4 in roleplayer (current) #4 in markse #9 in roleplaying