¦ cincuenta y siete ¦

40 5 0
                                    

Narrator's POV

"Grabe. Ito ba yung surprise nyo sakin? Kobe? Zeke? Surprise na surprise ako!" Plastic nyang sabi habang umiiyak tawa. Baliw ata to.

"Abi hindi ko to alam! Eskapo na ako!" Isang kaplastikang sambit ni Kobe saka tumakbo palabas ng bahay.

"Marcella hanggang kailan ka ba manggugulo samin?!" Lumapit sya kay Marcella saka ito pinag-sasampal. Agad na umawat si Zeke, inilayo nya si Abi kay Ella. Pero nung pag-harap nya kay Abi ay sya naman yung nasampal. Tila nagising naman sa pagkakasabog si Ella dahil sa hagupit ni Abi.

"Hanggang kailan mo ako sasaktan Zeke? Nung una hindi ka umamin na ikaw si Taetae, tapos ngayon naman nahuli ko kayong nag-hahalikan! Napaka-sinungaling mo pa rin!"

"Mag-eexplain ako love..."

"Explain? Sige ipaliwanag mo yung nakita ko!"

"Pumunta sya dito, lasing sya, lumapit sya sa tab--" Hindi ko alam pero nakakabwisit si Abi ng slight, paano makakapag-explain e pinuputol nya.

"Cut it. I don't want to hear your bullshits Zeke... Liar, Liar..."

"Pero love..."

"Uuwi na ako, salamat sa surprise. And you, sana maging masaya kana. Nasira mo na naman kami." Isang mapait na ngiti ang binitawan nya sa dalawa bago umalis. Masaket yan sis

Liar, LiarWhere stories live. Discover now