¦ cincuenta y cuatro ¦

39 6 0
                                    

Abigail: Siiiis! Two days nalang first monthsary na namin, anong ireregalo ko kay Zeke?

Sophie: Sis hindi naman maarte si Zeke, kahit sarili mo lang ipakita mo masaya na yun. Pero try mo yung cookies and cream cake saka pillow with face mo. Sabi kasi sakin ni Kobe mahilig daw sya dun and nag-tatanong raw si Zeke kung saan pwede magpa-customized ng pillow, baka gusto nya yun.

Abigail: Sige sis thankyou! Pasok na ko ❤

seen 6:45

-

Abala ngayon si Abigail sa pag-hahanap sa internet ng malapit lang sa kanila na nag-ccustomized ng pillow. Mag-isa sya ngayon sa garden since wala pa si Sophie at Frances, si Zeke at Kobe naman daw ay malelate.

"Ay. Eto pala ang malandi." Inangat nya ang tingin nya at nakita nya si Moira at Marcella. Umirap nalang sya at nag-patuloy sa ginagawa.

"Ella tara na nga." Pag-yaya ni Moira pero hindi sya pinakinggan ni Marcella, ay bingi.

"Alam mo Abi ang landi mo! Alam mong kami ni Zeke pero inagaw mo sya!"

"Ayoko ng away Ella. Pwede ba lumayas ka sa harapan ko no?"

"Ayaw mo pala ng away eh bat inagaw mo sya sakin? Ang kati mo tangina. Ano bang ginawa mo? Pinakita mo yung dibdib mo? Naghubad ka ng pan--" Hindi na nya natuloy ang sinasabi ng nasapak sya ni Abi. Okay, below the belt yon.

"Ella kung mam-bbwisit ka lang lumayas ka na! Baka kung ano pang magawa ko sayo." Sabi nya si Ella daw ang umalis pero sya ang tumalikod at naglakad. Ay sabog.

"Hinding-hindi kita titigilan Abi!" Gumanti sya, hinablot naman nya ang buhok ni Abi at nag-sabunutan sila. Si Moira at todo awat sa kanila.

"Mamatay ka na Abi! Mamatay ka na sana! Mang-aagaw!"

"Ikaw ang mamatay Marcella! Wala akong inaagaw sayo! Una syang naging sakin, REBOUND KA LANG!"

Halos gumulong na sila sa damuhan sa kaka-sabunutan.

"Marcella, Ate Abi tama na!" Sigaw ni Moira habang inaawat sila.

"ANONG NANGYAYARI DITO?!" Dumating na sila Kobe kasama sila Sophie. Inawat naman agad nila ang dalawa, si Zeke naman ay itinulak si Ella at tinulungan si Abi.

"Eto kasing hitad na to!"

"Malandi ka Abi! Mang-aagaw! Inagaw mo sakin si Zeke." Sambit ni Marcella habang hawak hawak sya ni Kobe at Moira.

"TANGINA NAMAN MARCELLA! Ang hina ng utak mo, wala nga akong inaagaw sayo! Kusa syang bumalik sakin!" Frustrate na frustrate na bulyaw ni Abi kay Ella habang inaayos ni Zeke ang damit at buhok nya.

"Marcella may usapan tayo diba? Sabi mo sakin okay lang na maging rebound kita para makalimutan ko si Abi, pero pag tadhana ang kusang nag-lapit samin hihiwalayan kita!" Paliwanag ni Zeke na ikinaiyak ni Ella. Ay ganun pala yung usapan nila.

"Pikang-pika na ako sayo gago ka. Di ka pa nadala nung prom gusto mo pa talagang umulit ngayon?! Sakit ng katawan ba hanap mo?" Qiqil si ateng sophie mo.

"Pero Zeke nilandi ka lang naman nyan eh! Kung hindi ka nyan nilandi tayo pa!"

"Walang lumandi sakin, hindi nya ako nilandi. Umulit ka pa sa girlfriend ko Ella baka ako na bumigwas sayo."

Umalis na sila at iniwang umiiyak si Marcella kasama si Moira. Kawawa naman hays

Liar, LiarWhere stories live. Discover now