Narrator's POV
Nasa bahay si Abi ngayon dahil naligo lang sya pero babalik rin sya sa ospital ngayon, kasi nag-babadyang gumising si Zeke dahil minsa'y gumagalaw ang daliri nito.
"Hello ate! Gising na si Kuya! Punta ka na dito." Bungad ni Moira kay Abi ng sagutin nito ang tawag nya. Lumiwanag ang mukha nito dahil sa narinig nya.
"Sige, papunta na ako dyan!" Pinatay nya ang tawag saka dali-daling lumabas at sumakay sa tricycle papuntang ospital.
-
"Zeke! Zeke! LOVE!" bungad nya ng makapasok sya sa kwarto nito, naiyak sya agad ng makita nyang gising na nga ang lalaki. Agad nya itong niyakap ng mahigpit pero tinulak lang sya nito.
"Sino ka?" Halos mahimatay sya dahil sa narinig nya mula kay Zeke. Tumingin sya kila Kobe, nag-hahantay ng paliwanag.
"Ah kasi Abigail, nag-karoon daw sya ng retrograde amnesia sabi ng doctor... Mga past memories lang daw ang mga naaalala nya..." Paliwanag ni Kobe sa kanya, napaupo naman sya dahil sa mga narinig nya.
"Love! Love! Natatandaan mo ako diba? Ako yung mahal mo! Ako si Abigail! Love please..." Pilit nyang niyayakap si Zeke pero tinataboy lang sya nito.
"Kobe, Moira! Sino ba tong babae na to? Ialis nyo nga 'to sa harapan ko!! Ano ba! Umalis ka na nga!" Sigaw nya sa dalawa, agad naman itinayo ni Moira si Abi at niyakap.
"Sige na ate umalis ka na muna, bumalik ka na lang bukas..." Humahagulgol na tumango sya at nag-lakad papuntang pinto para sana makalabas
YOU ARE READING
Liar, Liar
Humoran RPW story. by lavidalunaa, 2018. ♡ Highest Rank Achieved: #6 in rpw #4 in roleplayer (current) #4 in markse #9 in roleplaying