Kadugtong nung nauna. Hehe ganun pa rin narrator's POV.
-
Tumingin ang lahat sa nag-salita sa mic pati sina Abi ay tumingin rin. Bumukas ang ilaw ay nakita nila si Marcella.
"So sweet naman!" Pwe plastic.
"May surprise pala ako sayo Queen of the Night na siguradong bubuo sa gabi mo."
Halos lahat ay nakatingin kay Marcella, pati teachers. Si Abi naman ay naguguluhan dahil wala syang alam.
"Hindi ko na papatagalin yung surprise ko. Yang kasayaw mo ay ang tunay na Taetae." Halos lumuwa ang mata ni Abi sa narinig nya, si Zeke naman ay nanggagalaiti. Yung iba naman ay walang alam sa nangyayari, syempre tungkol yun sa RPW hindi naman lahat ay roleplayer.
"Ay? Hindi mo alam? Well ngayon alam mo na! Nag-papanggap si Kobe bilang Taetae dahil sabi ni Zeke yon kasi nga may gusto ka raw kay Kobe. Ang loser mo Abig-" Hindi nya na natuloy ang sinasabi nya ng biglang hablutin ni Sophie ang buhok nya at nag-sasabunutan na sila ngayon.
Nag-simula na rin mag-kagulo sa venue. Yung iba ay umalis, yung iba naman ay nakisali sa gulo. Pero si Abi hindi na napigilan ang pag-tulo ng luha habang nakatingin ngayon kay Zeke.
"Totoo ba?" Tanong nya habang humihikbi.
"A-abigail..."
"Punyeta Zeke sumagot ka!"
"OO! Totoo lahat 'yon! Totoong nag-panggap si Kobe, totoong ako si Exbattaelion na ka-rs mo!"
Pagkatapos sabihin ni Zeke yon ay nag-tatakbo na palabas ng venue si Abi habang umiiyak. Gago kayo
YOU ARE READING
Liar, Liar
Humoran RPW story. by lavidalunaa, 2018. ♡ Highest Rank Achieved: #6 in rpw #4 in roleplayer (current) #4 in markse #9 in roleplaying