"Ayan..medyo iliyad mo pa nang kaunti yang likod mo. Ano ka ba naman wag ka ngang kukuba kuba!" galit na sigaw ni Linda sa kanyang pamangkin."Tita ayoko po talagang maging waitress sa bar, pakiusap naman ho tita sa iba nalang ho ninyo ako ipasok." pakiusap ni Pamela sa kanyang tiya.
Nag iisa nalang sa buhay si Pamela Santiago, namatay ang mga magulang nito dahil sa car accident noong sampung taon palamang siya. Taxi driver ang kanyang ama at kasama nito ang kanyang ina ng byaheng iyon. Naaksidente sila nang mabangga ng truck ang kanilang sasakyan. Nabayaran naman sila ng may ari ng truck na nakabangga ng sasakyan nila ang kaso ang tita niya ang humawak ng pera, ibinenta rin nito ang kanilang bahay. Dahil sa sampung taon palang si Pamela noon ay wala pa siyang alam at hinahayaan lamang ang kanyang tiya sa gusto nitong gawin.
Ngayon ay 16 years old na siya at tumigil na sa pag aaral. Mahilig sa sugal ang kanyang tiya. Mahilig uminom ng alak at manigarilyo. Naging mabait ito noong una sakanya kaso ng tumagal at nagastos na lahat ng pera na galing sa pinagbentahan ng bahay nila ay lumabas naman ang tunay nitong ugali.
"Ano? anong ayaw mo? edi ano na gagawin natin aber? ako ang magtatrabaho ganun? sa edad kong ito ay sa tingin mo ba may tatanggap saakin? aba Pam baka nakakalimutan mo ang sakripisyo ko sayo." pagsusumbat nito na hindi malaman ni Pamela kung ano dahil simula palang noong una ay para na siyang alipin dito, siya ang nagsisilbi sakanyang tiyahin na kala mo ay isa siyang katulong.
Sa kabila ng lahat ay nanatiling mabait at masunurin si Pamela dahil ang tiya na lamang niya ang kanyang nag iisang kamag anak.
Nagyuko siya ng ulo. "Hindi naman ho sa ganun tiya, pero menor de edad paho kasi ako baka hindi ako tanggapin duon." sabi niya sa mababang tinig.
"Yun lang ba? aba'y madali lang yan, hindi naman nanghihingi ng birth certificate ang bar na aapply'an mo at saka kilala ko ang isa sa mga bouncer roon kaya madali kang maipapasok, medyo sikat iyong bar na yun pero mailulusot ka ng kaibigan ko kung yan lang ang pinoproblema mo." sabi ng kanyang tiya at itinaas pa ang isang paa nito sa kanyang inuupuan.
Bumuntong hininga lang siya, wala na siyang maidadahilan pa para umurong sa gusto ng kanyang tiya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na baka makahalata ang mga tao sa bar dahil sa katawan niya ay hindi na mahahalata pang 16 palang siya. Malaki ang dibdib niya at maganda ang hugis ng katawan niya. Sa height niyang 5'7 ay hindi siya mapagkakamalan.
Nakuha niya ito lahat sa mga magulang niya, parehong matangkad ang kanyang mga magulang purong pinoy ang mga magulang niya pero hindi maikakailang maganda at gwapo ang mga ito.
Matangos ang ilong, maliit ang mukha, malalim ang mga mata niya at tinernuhan ng mahahabang pilik mata. Maganda ang hugis ng kanyang mga kilay at lalong maipagmamalaki niya ang kanyang mga labing natural na mapula.
"O basta ha, yung mga tinuro ko saiyo ipraktis mo ng maayos iyon at para matanggap ka, kung hindi ka matanggap dun aba'y wag kang aasang titigil na ako, hahanap tayo ng mga bar pang sikat, hindi malayong may mga kano dun malay mo swertehin ka at may mapangasawa ka pa." walang ngali ngaling sabi ng kanyang tiya na ikinagulat at ikinaputla niya.
BINABASA MO ANG
Waitress (COMPLETED)
Chick-LitKurt Santos Story. Nang magreunion si Kurt at nang mga kaibigan niya sa isang club ay hindi niya akalain na maiinlove siya sa isang magandang waitress na naroon. Pamela Santiago. Lingid sa kaalaman niya ay menor de edad pa lamang ang dalaga. Ito po...