Part 12

7.6K 220 4
                                    


Kinaumagahan ay may biglang lakad ang mag asawa kaya maiiwan si Pamela mag isa.

"Ahh! Kurt bat hindi mo isama si Pamela sa restaurant mo? sigurado ako matutuwa siya kapag nakita niya ang malaking kitchen ng restaurant mo." suhestiyon ni Minda sa kanyang anak. Tumango naman si Dolfo.

"Yup. Tama. Isama mo na siya Kurt." sang ayon ng kanyang ama.

Wala namang masama at hindi naman siya tutol kaya tumango nalang siya.

"Sure, magpalit ka na El, antayin kita, so alis na ba kayo mom dad?"

Nang makaalis si Dolfo at Minda ay agad nagtungo si Pamela sa kwarto naligo siya, pinatuyo niya ang kanyang buhok gamit ang isang blower. Nag ayos siya ng mukha, naglagay lang siya ng kaunting powder. Hindi na siya nag abalang maglagay ng lip gloss o lipstick. Nagsuot siya ng simpleng bistida na kulay baby pink. Nagflats lang siya na step in at saka bumaba.

Hindi talaga lubos na mawari ni Kurt kung bakit hindi niya masiil ang nararamdaman kapag kaharap si Pamela. Nagulat siya ng malaman niyang sixteen lang ang dalaga. Halos doble sa edad niyang 28. Paano niya magagawang ituring itong bata kung palagi itong nakikita sa ayos na mas matanda pa tignan sa ibang may edad na. Malulusog ang dibdib nito at maganda ang kurba ng katawan, idagdag pa ang height nito.

Pasimpleng ipinilig ni Kurt ang kanyang ulo.

Nang makatayo sa kanyang harapan ang dalaga ay mas lalo siyang namangha sa taglay nitong kagandahan kahit wala itong anumang bahid ng make up sa mukha. Nakangiti ito na para bang anghel na bumaba sa lupa. Corny! naisip niya.

"Hi kuya tara na?" umasim ang mukha ni Kurt ng marinig ang tawag sakanya ng dalaga. Pero sino ba siya para tutulan ang dalaga? una palang ay sinabi na agad nito na gusto niyang magkaroon ng kuya ng parang katulad niya. Now her wish is granted.

"Yeah, tara." mas lalo siyang naguluhan sa nararamdaman niya ng kumapit si Pamela sa kanyang braso.

Nang makarating sila sa building ay narinig niyang napasinghap ang dalaga.

Hindi pangkaraniwan ang disenyo ng building niya. Kaya hindi na siya magtataka sa reaksyon ng dalaga.

"Kung ako ang madadaan dito? labas palang uurong na ako kasi alam kong mahal at pang sosyal lang ang restaurant mo. Kaya pala hindi kana nagpatayo ng ibang branch, ang laki pala ng restaurant mo." naaaliw na komento ni Pamela. Ngumiti naman si Kurt dito.

Nang makarating sila sa office ng lalaki ay mas lalong namangha ang dalaga. Maganda ang opisina ng lalaki sa pinaghalong black and white na kulay. Maaliwalas itong tignan.

"Mamaya kapag hindi na busy ipapasyal kita sa kitchen." saad ng binata sakanya.

"Thank you kuya." pasasalamat niya.

Kada oras ata ay may dumadating na pagkain, ipinapatikim sakanya lahat ng putahe sa restaurant na ito. Kaunti lang ang servings kaya okay siya kahit kain ng kain. Nagustuhan niya lahat ng mga putahe. Mahilig siya sa maanghang na pagkain kaya ang pinakapaborito niya sa mga natikman niya ay ang Beefy chilli.
Ground beef na may maraming spices.

Busy si Kurt sa mga sumunod na oras kaya inabala niya ang pagmasid sa paligid.

Katulad ng ipinangako nito ipinasyal siya nito sa kitchen nila malaki ito at matatagpuan sa 2nd floor. Magaganda't gwapo ang mga cook na narito.

"Lahat ng tao na nagpupunta rito ay kailangan may reservation muna." pagkukwento ni Kurt sakanya maya maya.

"Wow, talaga? special pala talaga ang restaurant mo. Ang swerte siguro ng mga babaeng dinadala rito ng kanilang mga nobyo kasi malamang effort na kaagad yun, na ipagpareserve at gumastos ng mahal sa babae. Reserve palang effort na eh." wala sa sariling nasambit ni Pamela.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon