Nagulat si Pamela kinaumagahan ng makita niyang nasa VIP room muli si Kurt at mag isa lang ito.
Inilapag nito ang wine at grilled chicken sa mesa.
"Magandang gabi sir, nasa labas lang ho ako kung may kailangan po kayo ay tawagin niyo lang ho ako." sabi ni Pamela. Mga katagang sinabi na rin niya noong unang punta nila rito.
"Sure." matipid na sabi ni Kurt. Napansin ng dalaga na nakatitig ito sakanya.
Mabilis na natapos ang lalaki at halos hindi nagalaw ang mga inorder nito. May dalawang libo na tip para sakanya.
Nang matapos ang trabaho ni Pamela at nag aantay ng jeep ay biglang huminto ang pamilyar na sasakyan sa tapat niya.
"Hatid na kita." seryosong sabi ni Kurt sakanya. Hindi na siya nagpakipot pa at pumasok siya kaagad sa sasakyan.
"Bakit ka nagtatrabaho sa bar? may itsura ka pwede kang maging modelo sa itsura mo." biglang sabi ng lalaki habang nagmamaneho ito. Napatingin si Pamela rito at ngumiti.
"Huminto ako sa pag aaral at tinutulungan ko yung tiya ko na siyang nag iisang kamag anak ko." sumulyap si Kurt sakanya. Nakatagilid si Pamela at deretsong nakatingin kay Kurt.
"Really? Edi wala ka palang kapatid o mga magulang." tumango si Pamela.
"Pero gusto kong magkaroon ng kuya na kaya akong ipagtanggol..gaya mo." wala sa sariling nasabi ni Pamela.
Tumawa ng malakas si Kurt at bumaling sakanya.
"Ako kuya mo? wow." nagtaas ng kilay ang lalaki.
"Bakit ayaw mo ba magkaroon ng kapatid? o may kapatid ka?" tanong ng dalaga.
"May kapatid akong babae. She's 26." naputol ang usapan nila ng maiparada nito ang sasakyan sa tapat ng bahay nila ng hindi niya namamalayan.
"Oh, andito na pala tayo." sabi ni Pamela. Bumaling siya kay Kurt at ngumiti siya. "Thank you ha. Napakabait mo talaga." napatitig si Kurt sakanya.
"You're welcome." ngumiti rin ito.
"Ayy, gusto mo ng kape? may disposable naman kaming baso sa loob pagtimpla kita ha? antayin mo ako ha? para hindi ka antukin sa daan, wait moko ha?" nagmadali ito sa pagbaba ni hindi nakatanggi si Kurt dahil sa abala siya sa pagtitig dito at isa pa nagmamadali ang dalaga.
Napabuntong hininga siya at matyagang nag antay.
Nang bumalik ang dalaga ay wala itong dalang kape. Namumutla ito at agad na pumasok sa kanyang sasakyan.
"Umalis na tayo dali, dalhin mo ako sa kahit saan, ayoko dito umalis na tayo. Parang awa mo na alisin mo ako dito." nag aalala man si Kurt ay napabaling siya sa bahay na pinagmulan nito at saka pinaandar ang sasakyan.
Hindi kumikibo si Pamela kahit nakakalayo na sila at oras na rin ang nakalipas ng makaalis sila sa bahay nila.
"Pwede mo bang ikwento ang nagyari?" basag ni Kurt sa katahimikan.
Hindi na masyadong namumutla si Pamela ng sumulyap sakanya.
"Pamela Santiago ang pangalan ko." sabi ng dalaga na wala sa sarili.
"Okay.. Pamela pwede mo bang sabihin sakin kung anong nangyari?" pag uulit nito. Nagpakawala si Pamela ng mahabang hininga pagkatapos ay bumaling sakanya.
"Ampunin mo na ako. Please. Ayokong magpakasal sakanya. Please ang bata ko pa marami pa akong pangarap sa buhay." mangiyak ngiyak ito habang nagkukwento kay Kurt.
"Whoaaa wait a minute. Wala akong aampunin at wala akong balak masangkot sa anumang problema mo." itinigil pa nito ang sasakyan na minamaneho niya sa isang tabi para humarap sa dalaga.
"Ipapakasal ako ng tiya ko sa mayaman saamin. Matanda iyon at ayoko pang maikasal. Parang awa mo na, ipagawa mo na lahat sakin, maging alalay mo o ano wag mo lang akong ibabalik kay tiya. Parang awa mo na." tuluyan na siyang umiyak.
Naisuklay ni Kurt ang mga daliri sa buhok niya. Ayaw niyang madamay sa problema nito pero ayaw rin naman niyang iwan ang dalaga.
Tuluyang humagulgol si Pamela binalewala lang ni Kurt yun kahit halatang nahihirapan siyang magdesisyon.
Dumukot siya ng pera at inabutan ang dalaga ng sampung libo.
"Here and get out, bahala ka kung anong gusto mong gawin diyan pero hindi kita pwedeng isama sa bahay ko. I'm sorry, please lumabas kana. Hindi narin tayo magkikita pa." tinitigan iyon ni Pamela pinunas niya ang mga luha sa mukha niya at saka nag ayos ng sarili, hindi iyon inabot ng dalaga at kusang lumabas ng sasakyan. Sinundan lamang ng tingin ni Kurt ang dalaga na pumalayo na.
BINABASA MO ANG
Waitress (COMPLETED)
ChickLitKurt Santos Story. Nang magreunion si Kurt at nang mga kaibigan niya sa isang club ay hindi niya akalain na maiinlove siya sa isang magandang waitress na naroon. Pamela Santiago. Lingid sa kaalaman niya ay menor de edad pa lamang ang dalaga. Ito po...