Part 10

8.1K 261 3
                                    


Nagpatuloy ang pag uusap ni Kurt at Kylie. Si Pamela ay nanatiling nakayuko at nakikinig sa usapan ng dalawa.

Maya maya ay tumikhim si Kylie at tumingin kay Pamela.

"Nakausap ko si Pamela kanina at kuya boto ako sakanya." walang ngali ngaling sabi nito. Lalong nagyuko si Pamela sa narinig niya.

"What do you mean?" takang tanong ni Kurt.

"Sabi ni Pamela katulong mo siya."

"Of course not! hindi ko siya katulong at wala akong balak maghire ng katulong."

"Exactly! edi ano pang reason kung bakit andito si Pamela. Kaya sabi ko sayo.. boto ako sakanya." kumindat ito at tinabihan si Pamela.

"Mali ang iniisip mo sis." bored na sabi ni Kurt na sumandal sa upuan.

Hindi ito pinansin ni Kylie at hinarap si Pamela na nag angat na ng tingin.

"Alam mo ba. Galit si kuya sa matatangkad at magagandang babae. Buti nalang at maganda lang ako at hindi ako matangkad kung hindi ay madadamay ako. Kaya nagtataka ako, bakit ka andito? nakamove on na siya at dahil sayo iyon." bulong nito pero narinig parin ito ni Kurt.

"Come on Kylie, naparito ka ba para mang asar? Congratulations naasar na ako. But guess what naghahanap na ako ng mapapangasawa mo na kayang pagtiisan ka."

Umirap si Kylie at hindi pinansin ang sinabi ng kuya niya.

"You're tall and beautiful plus ang sexy mo, so model kaba?" tanong ni Kylie. Bumuntong hininga si Pamela bago sumagot.

"Waitress ako sa bar kung saan kami nagkakilala ni Kurt." sagot niya

"Ella don't mind her questions—" hindi na naituloy ni Kurt ang mga sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang magandang may edad na at ng kapareha nito.

Bakas sa mukha ng mga ito ang tuwa.
Tumayo si Kylie at sinalubong ang mga bagong dating.

Nagyakapan ang tatlo si Kurt ay tumayo rin at nakangiti.

"Wow, ano to family reunion?" biro ng binata.

Nailang si Pamela at hindi niya alam ang gagawin niya, Op siya sa eksena.

"Namiss ko itong ganito." bulalas ng ginang.

"I missed you mom and dad." sabi ni Kylie.

"Don't worry may dalawang linggo tayo para magsama, titira kami rito pansamantala at nang mabuo naman tayo." nakangiting sabi ng matandang lalaki.

"Yes..hindi naman siguro masama dahil wala pa naman kayong mga pamilya, lalo kana Kurt, kailan mo balak— wait sino siya?" tanong nito. Nakatingin ang lahat kay Pamela. Tumayo siya at ngumiti.

"Hello po. Pamela po ang pangalan ko." nahihiyang sabi ni Pamela.

Ngumiti ang tatlo seryosong namang nakatingin si Kurt sakanya.

"Well..well..well. Kurt iho, hindi mo ba siya ipapakilala saamin?" napakamot si Kurt.

"Mom, dad. Si Pamela Santiago. Ella si mom at dad, then si Kylie nag iisa kong kapatid." pakilala niya.

"And?" tanong ni Dolfo Santos ang daddy ni Kurt at Kylie.

"And that's that." naningkit ang mga mata ni Minda ang mommy nila.

"Iha ikaw na nga ang magpakilala sa sarili mo." udyok ni Minda kay Pamela.

Huminga ng malalim si Pamela.

"Nagpatulong po ako sa a-anak niyo. Isa po akong waitress sa isang bar kung saan kami nagkatagpo at nagpatulong po ako sakanya da-dahil..dahil ayoko pong makasal sa isang matandang taga saamin lalo na't nalaman kong isang drug-drug lord." naituptop ni Minda ang kaniyang dibdib. Lahat sila ay nagulat maski na si Kurt, hindi pa sila nagkakaroon ng oras ni Pamela para magkakilanlan at magkatanungan.

"That's awful! anong klaseng mga magulang o pamilya ang gagawa sa iyo ng ganyan ipapakasal ka sa isang mapanganib na tao at hindi mo mahal?" bulalas ni Minda.

Nagyuko si Pamela ng ulo.

"Si-si tita po ang nagbalak ng ganoon, wala..wala napo akong ibang kapamilya, siya nalang po ang naiwan at natitirang kamag anak ko." pagsasalaysay niya.

"Ilang taon kana iha?" tanong uli ni Minda. Bumuntong hininga si Pamela. "Sixteen po." mahinang pag amin niya na ikinagulat ng apat na kasama niya.

"Sixteen!" bulalas ni Kurt na halos pumiyok pa.

"You're sixteen? and sa bar ka nagtatrabaho?" manghang tanong ni Dolfo.

Tumango si Pamela. "Pinapasok po ako ng tiya ko roon." halos pabulong na sabi niya.

"Hindi ka na babalik sa tiya mo, nagkakaintindihan ba tayo?" sabi ni Minda.

"Yeah, wag ka na bumalik sa tiya mo Ella, I bet she's using you para maghanap buhay habang napupunta sakanya ang nakikita mo." naiinis na sabi ni Kylie. Nagyuko lang ng ulo si Pamela.

Nagbuga ng hangin si Dolfo. "Anong klaseng tiya iyan. Don't worry iha, welcome ka sa pamilya namin." hindi makapaniwalang tiningnan ni Pamela ang matanda. Nakangiti ito.

Nilingon ni Ella isa isa ang taong kasama niya at nakangiti lahat ng ito ng madako ang paningin niya kay Kurt ay seryoso itong nakatingin sakanya. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon