Part 4

8.2K 226 4
                                    


"Talaga? sa VIP room ka?" takang tanong ni Liza sakanya.

"Oo, first time ko malagay dun. Hindi ba si Riva ang nakaassign dun?" tanong rin ni Pamela.

Nagkibit balikat si Liza. "Ang sabi nagbakasyon si Riva, may kasama raw itong costumer dito na taga Thailand, at wag ka, sobrang yaman ng mga taga Thailand na nagpupunta dito. Ang swerte talaga niya no."

Hindi na nagsalita pa si Pamela. Hindi siya sang ayon sa kaibigan niya. Hindi sila bayarang babae para iuwi sa kung saan saan para maisama sa isang bakasyon. Ipinilig niyang bahagya ang kanyang ulo. Kumuha siya ng dalawang mamahaling wine at inilagay ito sa silver tray, kumuha siya ng wine glass at saka siya huminga ng malalim.

Humugot ng malalim na hininga si Pamela bago pumasok sa naturang kwarto.

Bahagyang nagulat si Pamela dahil hindi niya inaasahan na hindi matatanda ang nga naroon sa kwarto. Apat na nag gwagwapuhang lalaki ang naroon at tila napatitig rin sakanya. Sabi ni Liza sakanya puro matatandang pulitiko raw ang kadalasan na naroon kaya siya nabigla.

Nagyuko siya at binati ang mga customer na naroon.

"Goodevening, wala po si Riva kaya ako muna po ang papalit sakanya pansamantala." magalang na sabi niya at saka maingat na inilapag ang mga inorder na alak.

Tinapunan niya ng tingin ang mga ito, nakangiti ang mga ito sakanya maliban sa isang lalaking nasa gitna nakaupo.

"Mag aantay lang po ako dito sa labas kung may iuutos papo kayo ay tawagin niyo lang po kayo." paalam niya pero pinigilan siya ng isang lalaki. Mukha itong foreigner lalo na at medyo blonde ang buhok nito.

"Wait, hindi namin kilala ang Riva na tinutukoy mo dahil unang beses naming tumapak rito. Pero masaya kami na ikaw ang nagsisilbi samin ngayon." ngumiti ito ng malapad sakanya. Hindi siya nagsalita dahil hindi niya maapuhap ang sasabihin niya.

"Sige tawagin ka nalang namin pag may kailangan kami. Salamat ha." sabi ng isa sakanya.

Tumango siya sa mga ito at saka lumabas ng kwarto.

Nagbuga ng hangin si Drew ang fil-am na nakausap ni Pamela. "Bakit ngayon lang tayo nagpunta rito mga bro, ang ganda ng waitress nakita niyo yun?" iiling iling na sabi ni Drew.

"Lang'ya pare may binanggit siya na Riva, tang'na baka mas maganda pa iyon. Paano nakakahanap ng magagandang waitress ang bar na ito." sangayon ng isa pang lalaki na nagngangalang Fred, isa itong tsinoy.

"Bro ano? malamang may extra service dito. Kuha tayo?" natatawang sabi ni William na isang purong pinoy.

Nagtawanan ng malakas ang tatlo maliban sa isa. Napatingin si William dito at saka ngumisi.

"Kurt pare tahimik ka? ngayon lang tayo nagkita uli ganyan ka pa. Musta ang restaurant mo pare?"

Tumikhim si Kurt at saka nilaro laro ang wine glass na hawak niya. "Okay lang, kuntento na ako sa isa hindi na ako magpapatayo ng iba pa. Tutal maayos naman at malaki naman ang kita." seryosong sabi nito at inubos ang alak sa kopita niya.

"Pare brokenhearted kaparin ba? isang taon na yun ah at saka nagpakasal na si Top at Herlia." sabi ni Drew na siyang ikinapikon niya. Alam niyang pinipikon siya ng kanyang kaibigan pero hindi niya mapigilan mainis dito sa pag ungkat ng nakaraan niya.

"Andito tayo para magreunion hindi ba?" seryosong sabi ni Kurt. Nagtawanan lang ang tatlo at napatingin sakanya.

Isang beses lang niya naramdaman ang masaktan dahil sa babae at hindi katulad sa mga romance movie kahit minahal niya ito ay hindi sila nagkatuluyan, naging mapait sakanya ang nangyari dahil hanggang ngayon na kasal na ang dalawa ay hindi parin niya makalimutan ang dalaga na kung tutuusin ay ilang araw lang naman sila nagsama nito.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon