Dumeretso sa ikatlong palapag si Pamela sa restaurant ni Kurt. Nakasuot siya ng isang dress na may mababang neckline, hapit ito. Nakaheels rin siya.Lahat ng taong nadaanan niya ay nakatingin sa kanya.
May isang babaeng nakabantay sa labas ng opisina ng lalaki.
"Hi, pwede ko bang makausap si Kurt? Kurt Santos." nakangiti niyang pakiusap sa babaeng nakabantay. Nakasuot ito ng blouse at miniskirt.
"Sino po sila ma'am?" nakangiti rin ang babae sakanya.
"Hindi mo na kailangan sabihin sakanya. So pasok na ako ha?" dumeretso siya sa pinto at pinihit ito pabukas.
Nanlaki ang mata niya ng madatnan si Kurt na may kasamang babae.
Nakakandong ang babae sakanya at abala ang mga ito sa paghahalikan. Nagulat rin ang mga ito nang buksan niya ang pinto. Agad na tumayo ang babaeng nakakandong kay Kurt. Si Monica.Tumikhim siya at kumurap kurap. "Ahmm. hi? and sorry? sorry sa istorbo." sabi niya.
"Monica labas ka muna." utos ni Kurt sa babae. Nakatitig siya kay Pamela.
Pinasadahan ng tingin ni Monica si Pamela. Ngumiti si Pamela sa paraan ng pagtitig sakanya nito.
"Don't worry para ko na siyang kapatid at hindi ko siya aagawin sayo, right kuya Kurt?" diniinan niya ang pagkakabanggit ng kuya. Umaliwalas naman ang mukha ni Monica at nag excuse at tuluyang lumabas. "She's jealous. Sa paraan palang ng pagtitig niya parang papatayin na niya ako. Girlfriend mo?"
Tumikhim si Kurt. "Kailan ka pa bumalik?" seryosong tanong nito.
"Kahapon lang, may condo unit na binili si tita Minda sakin. Yun ang tinutuluyan ko ngayon." sagot niya at umupo sa upuan na kaharap ng desk ng lalaki.
Pasimpleng lumunok si Kurt nang makita ng malapitan ang suot ng dalaga.
Bumuntong hininga si Pamela. "Bakit hindi ka nagsusulat sakin, sinasagot ang tawag ko at binabati ako sa tuwing birthday ko?" seryosong tanong niya kay Kurt. Nakatitig siya sa mukha ng lalaki.
"I'm busy." nagbaba ng tingin si Kurt sa paraan ng pagtitig sakanya ng dalaga, bumaba ang tingin nito sa dibdib ng dalaga na halos lumuwa sa suot niya. Bumuntong hininga siya at bumaling sa bintana.
"Busy? sa alin? babae? come on, simpleng sulat at tawag lang di mo magawa. Bakit nga? may kasalanan ba ako?" nakasimangot na tanong ng dalaga at nakatitig parin kay Kurt.
"I'm.. busy. Yun lang ang masasabi ko sayo. Wala ka namang kasalanan." kibit balikat nitong sabi.
Huminga ng malalim si Pamela.
"Date tayo?" tanong niya maya maya. "I mean, kain tayo sa baba, libre mo ako. O kaya punta tayo sa tabing dagat. Or sa mall.. kahit saan. Makabayad ka man lang sa kasalanan mo sakin."
"Sure." simpleng sagot ni Kurt. Nagring ang telepono at ipinagpasalamat ni Kurt iyon. Hindi niya matagalan ang mga titig ng dalaga. Gusto niya itong yakapin at sikilin ng halik.
Nang maibaba ng lalaki ang tawag ay humarap ulit ito kay Pamela. "Sorry, may lakad ako ngayon..bukas nalang, sunduin kita sa condo mo." marahas na nagbuga ng hangin si Pamela.
"Yeah sure." matamlay na sabi nito. "Alis na ako. See you tomorrow then." malungkot na sabi nito. Nang malapit na siya sa pinto ay hinila siya ng binata at saka mahigpit na niyakap.
"I missed you." bulong nito sa tenga niya. Dahil nakaheels si Pamela ay halos magkatangkad na sila ni Kurt.
Ngumiti si Pamela at gumanti ng yakap.
"Namiss rin kita." nakangiting sabi niya. "Bukas ha? hindi na ako magpapakita sayo kung hindi mo pa ako mapagbigyan ng oras bukas."Nang maghiwalay sila ay pareho silang nakangiti, nagtama ang mga mata nila at pawang nag uusap.
Marahang tumango si Kurt. "Oo na. Tara sa dagat bukas." ginulo nito ang buhok ng dalaga.
Kinaumagahan ay naghanda na ng sarili si Pamela. Inaantay nito ang tawag at pagdating ni Kurt. Nang makatanggap siya ng tawag ay napalis ang ngiti sa mga labi niya.
Secretary ni Kurt ang tumawag at sinabing may importanteng meeting ito sa isang noon time show sa isang kilalang tv station. May interview raw siya dito tungkol sa magandang pamamalakad niya ng kanyang restaurant.
Kinaumagahan ay nagpasya siyang pumunta sa opisina ng lalaki ngunit secretary lang niya ang nandoon, sabi nito ay kasama nito si Monica at may importanteng pinuntahan.
Sinubukan ni Pamela na tawagan ito kasi nakapatay ang cellphone nito gaya kahapon.
BINABASA MO ANG
Waitress (COMPLETED)
ChickLitKurt Santos Story. Nang magreunion si Kurt at nang mga kaibigan niya sa isang club ay hindi niya akalain na maiinlove siya sa isang magandang waitress na naroon. Pamela Santiago. Lingid sa kaalaman niya ay menor de edad pa lamang ang dalaga. Ito po...