Part 8

7.7K 213 1
                                    


'Antayin mo ako hanggang makauwi ako ng bahay' bigla niyang naisip ang sinabi ng lalaki sakanya.

Dahil wala siyang kasama sa bahay ay nagpasya siyang maghubad nalang, maswerte siya dahil nakakita siya ng roba. Naligo siya at isinuot ito walang natirang kahit isang saplot sa kanya tanging roba lang ang suot niya.

Nilabhan niya ang nag iisang damit niya at saka ito sinampay.

Hindi niya namalayang nakatulog siya pagkatapos.

Dahil may trabaho siya sa gabi ay umaga talaga ang tulog niya. Nagtuloy tuloy ang tulog ni Pamela at nagising lang ng mapansing may nakatitig sakanya.

Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.

"Buti naman gising kana. Nag uwi na ako ng pagkain galing sa restaurant at pwede na tayong kumain." sabi ni Kurt sakanya. Bumaling siya sa orasan at nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil alas otso na ng gabi. Halos labing dalawang oras siyang nakatulog.

"May mga damit ka rin na pinamili ko. Sigurado akong kasya mo ang mga iyon." dugtong nito.

Hindi niya magawang tingnan sa mukha si Kurt dahil sa sobrang hiya niya. Natulog lang siya maghapon at nadatnan pa ng binata na nakaroba lamang siya.

Napalunok si Kurt ng madatnan niyang tulog na tulog si Pamela, nakaroba lamang ito at bakat na bakat ang kanyang hugis ng katawan sa manipis na tela ng roba. Pinigilan niya ang kanyang sarili at nagpasalamat ng magising ang dalaga.
Sinabi lang niya dito na pwede na silang kumain at may damit siyang pinamili at umalis narin agad.

Nakahinga ng maluwag ang binata ng makalabas na ng tuluyan sa kwarto ni Pamela.

Dumeresto siya sa kusina at maya maya lang bumaba narin ang dalaga. Nakasuot na rito ang damit niya kaninag umaga.

"Sorry, nilabhan ko kanina tong damit ko tapos nakatulog ako at di ko namalayan na sobrang napahaba ang tulog ko." nakayukong sabi nito.

"Okay nga iyon eh. Para makapagpahinga ka." sabi nito at hinila ang isang upuan sa long table na naroon. "Halika na at umupo ka na." umupo naman agad si Pamela.

"Ang haba ng Pamela wala ka bang palayaw?" tanong nito sakanya.

"Ella, pwedeng Ella." sagot niya. "Ang sarap ng pagkain." komento niya. Ngumiti si Kurt pero hindi abot tenga.

"Thanks. Ella.."

Nang matapos silang kumain ay agad na nagligpit si Pamela at saka naghugas ng pinagkainan.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon