Part 3

8.4K 217 2
                                    

"Ikaw na ata ang pinakamagandang waitress rito." friendly na sabi ng isang waitress sakanya. Ngumiti siya rito.

"Pero wag ka..wag na wag mong babanggain si Riva, siya yun oh." turo nito sa isang babaeng naglalagay ng foundation at nakatingin sa salamin. Nasa 5'5 ang height nito, maputi pero halatang hindi natural, blonde ang buhok nito at halatang ipinakulay lang, hindi katangusan ang ilong at ang kapal kung maglagay ng make up pero sexy ito.

Nagbawi siya ng tingin bago pa siya mahalata nitong nakatingin sakanya. Ayaw niya ng away hanggat maaari dahil hindi siya sanay doon.

Hindi siya nagkomento pero nagpatuloy parin ang babae sa pakikipag usap sakanya. Mahina lang ang boses nito na halos pabulong na.

"Ayaw niyan na nalalamangan siya. Siya kasi ang hinahanap lagi ng mga costumer dito, mga mayayaman at mga gwapings binibigyan siya ng malaking tip." kwento nito sakanya.

"Sorry pero ayaw ko ng away, at sana wag ka na magkukwento sakin, wala akong balak mang lamang ng iba, andito lang ako para magtrabaho at para matulungan ang tiya ko." sabi naman niya.

Ngumuso ang babae. "Wina-warningan lang naman kita. Ako nga pala si Liza Puerto." pagpapakilala niya bigla.

Tinanggap iyon ni Pamela. "Pamela Santiago." nag ngitian silang dalawa.

Dumaan si Riva sa harapan nila kaya nagyuko si Liza.

Maya maya ay nagsimula na sila sa trabaho. Maraming nakapuna na bago siya dito, pinanatili niya ang naensayo niyang ekspresyon na mukha. Seryoso at may kaunting ngiti lang sa labi. Ayaw niyang masyadong magngingiti dahil malamang baka isipin na nang aakit siya.

Wala naman naging problema sa awa ng diyos. Tama siya kahit bar ito ay alam niyang disente ang mga pumaparito dahil hindi lang pang karaniwan ang lugar na ito.

Napansin niyang marami ngang tumatawag at naghahanap kay Riva. Pabor naman siya doon.

Matuling lumipas ang araw. Ang unang sahod niya ay ibinigay niya lahat sakanyang tiya. Utos nito sakanya na ibigay lahat ng sahod niya at siya nalang bahalang magbigay ng allowance niya.

Isang araw ay sa isang VIP room siya inassign ng boss nila.

Nasasanay na si Pamela sa paligid niya, nalaman niyang kailangan niyang gumawa ng sarili niyang pangalan at huwag ibigay ang kanyang tunay na pangalan kung sakaling may magtanong man ng kaniyang pangalan. Ang naisipan niyang pangalan ay Ella, malapit rin sa Pamela na siyang tunay niyang pangalan.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon