Part 7

7.9K 212 0
                                    


Napamura si Kurt at saka lumabas ng kanyang sasakyan. Sinundan niya si Pamela. Nang maabutan niya ang dalaga ay inabot nito ang kanyang braso. Seryosong tumingin sakanya si Pamela.

"Umalis kana, ayokong mandamay ng problema ko, pasensya na at nagpatulong ako sayo." mahina ang pagkakasabi nito.

"Sumama ka na sakin sa bahay." sabi ng lalaki dahilan para umangat ang paningin ng dalaga sa mukha niya.

"Bat nagbago ang isip mo?" tanong ni Pamela ng nasa loob na muli ng sasakyan ng binata.

"I don't know either." simpleng sagot ni Kurt. Wala nang muli pang nagsalita sakanila.

Nang makarating sila sa bahay ng lalaki ay namangha si Pamela. Pagkabukas at pagkabukas palang ng gate ay napanganga na siya. Hindi masyadong malawak ang hardin ngunit maayos ito at maganda tignan. Dalawang palabag ang bahay at malinis ito, hindi halatang lalaki ang naninirahan lalo siyang napanganga ng ilibot siya nito sa loob ng bahay.

"Tatlong kwarto lang meron ang bahay ko, sinadya ko to dahil ayoko ng malaking bahay, wala naman akong kasama wala rin akong katulong." sabi nito sakanya.

"Bakit wala kang kasambahay?"

"Dahil lagi naman akong wala sa bahay at busy sa restaurant ko." sagot nito. Tumango tango siya.

"A-ako na ang magsisilbi sayo ngayon. Kailangan ko lang talaga ng matitirhan. Ako na gagawa lahat ng ipapagawa mo." napansin niyang bumuntong hininga ang lalaki.

"Promise wala akong gagawing hindi maganda, maingat ako sa gamit, marunong akong magluto at marunong ako sa lahat ng gawaing bahay." pagpapatuloy ng dalaga.

Napatitig saglit si Kurt sakanya.

"May pupuntahan ako, dun narin ako kakain hapon na ako makakarating, wala kang lilinisin, magpahinga ka nalang at intayin mo akong makabalik." sabi nito. Nagtaka si Pamela kung saan ito pupunta ngunit nasagot rin niya ang katanungan niya. Naalala niyang may restaurant nga pala ang lalaki.

Sa isang kwarto katabi ng kwarto ni Kurt siya matutulog, matatagpuan ito sa ikalawang palapag ng bahay. Malaki ang kwarto, mas malaki pa ito sa buong bahay ng kanilang tiya.

Nahiga siya sa malambot na kama at saka pumikit napadilat siya at bumangon ng maalalang wala nga pala siyang damit at kahit anong gamit.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon