Part 9

7.8K 302 2
                                    


"Goodmorning!" malakas ang pagkakabukas ni Kylie sa pinto. Muntik ng mapatalon si Pamela.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ni Kylie at Pamela, nagkatinginan sila nito. Maya maya ay tumikhim si Pamela.

"Si-sino ho sila?" magalang na tanong niya sa bagong dating. Sinuri niya ang kadarating na babae, humanga siya sa ganda nitong taglay.

"I'm Kylie, kapatid ko si Kurt. At ikaw si?"

"Go-goodmorning, ako si Pamela." ngumiti siya at bahagyang yumuko.

"At ikaw ay?" tanong uli ni Kylie na nakangiti rin. "Girlfriend?" dugtong niya. Nag angat si Pamela ng mukha at mabilis na umiling.

"Naku hindi..ano..katulong." mabilis na sagot niya. Nagtaas ng kilay si Kylie at pinasadahan siya ng tingin.

"I don't think so. Well wag kang mag alala, I won't judge." nakangiting sabi ni Kylie.

"Ahm..tu-tulungan ko na po kayo sa mga bagahe niyo." nauutal na sabi ni Pamela, hindi nito inaasahan na makikita niya ang isa sa miyembro ng pamilya ni Kurt.

"Thanks! nga pala si kuya?" tanong nito.

"Umalis po siya, pupunta po sa kanyang restaurant." mabilis na sagot ni Pamela sabay buhat sa isang maleta ni Kylie.

"Hey..magrelax ka wala naman akong gagawin sayo, mabait ako promise, hindi ako nangangain." natatawa nitong sabi. "Wait dito muna tayo sa sofa, upo muna tayo." umupo ito sa isang single chair na naroon at dinukot ang kanyang cellphone sa kanyang sling bag.

"Halo bro! guess what! nasa bahay mo ako, kung namimiss mo ako uwi ka na agad, 30 minutes kailangan andito kana. Okay? magkukwentuhan muna kami ni Pamela." dere deretsong sabi nito, diniinan niya ang pagkakabanggit ng Pamela at saka ibinaba ang kanyang cellphone. Ngumiti ito na parang naloloka at saka tumingin kay sa kasamang dalaga.

"Damn! bat ngayon pa umuwi ang babaing iyon." marahas na pumikit si Kurt. Nasa office siya ngayon dito sa building kung nasaan ang restaurant niya. Tatlong palapag ito. Sa una at pangalawang palapag kung saan para sa mga customers at sa ikatlong palapag ang office niya.

Napabuntong hininga siya at saka lumabas siya ng opisina niya.

"Train! lika dito, ikaw muna bahala dito ha?" tumango ang tinawag niyang kasama sa pagmamanage sa mamahaling kainan. Mamaya maya ay tumalikod uli ito. "Kilala mo si Kylie hindi ba? gusto mo ligawan? para manahimik na yung babaeng yun at hindi na nanggugulo."

"Sir?" tanong ni train.

"Wala wala. Nevermind." aniya at saka pumasok sa elevator.

"So! tell me, saan kayo nagkakilala ni Kurt?" tanong ni Kylie sa dalaga. Napansin niya rito na nabigla sakanyang pagtatanong.

Nagdalawang isip si Pamela sa pagsagot pero naisip niyang wala naman masama kung sabihin niya ang totoo. "Sa bar po." pag amin niya.

"Wag mo naman akong pino 'Po. I'm only 26 pero bagets bagets parin naman so Kylie nalang itawag mo sakin okay?" bumuntong hininga si Pamela at saka tumango.

"So sa bar kayo nagkita, kailan kayo nagkakilala?" tanong uli nito.

"Noong nakaraan lang Kylie." tumango tango lang si Kylie, hindi ito nakitaan ng pagkagulat.

"So kailan ka nagpunta dito? I mean.. kailan ka niya dinala dito sa bahay niya?"

Napayuko si Pamela at nilaro laro niya ang kanyang laylayan ng damit.

"Ka-kahapon lang." tumango tango uli si Kylie.

"Tara akyat muna natin tong mga gamit ko, help mo ako please ang bigat eh."
nagtulungan sila pagbubuhat sa isang maleta at dalawang malaking bag. Nang maiakyat na nila ang gamit sa pangatlo at nag iisang bakanteng kwarto ay bumaba rin sila, nagtulungan rin sila sa pagpeprepare ng meryenda. Nang makabalik sila sa sala ay nagtanong muli si Kylie.

"Ilang taon kana?" tanong nito. Namula ang mukha ni Pamela. Sasagot na sana siya ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kurt na nakakunot ng noo.

"O ang bilis mo naman?" maang maangan ni Kylie. Tinignan lang siya ni Kurt at saka naupo rin.

"Kakabaksyon mo lang last year ah buti pinayagan kang muling umuwi?" sabi nito at saka nagdekwatro.

"Oo, malakas ako sa boss namin eh, anong magagawa ko." kibit balikat nito.

"Alam ba nila mommy na nakauwi ka ng Pilipinas?"

Habang nag uusap ang dalawa ay hindi mapigilan ni Pamela ang mailang. Ramdam niya ang closeness ng magkapatid sa pag uusap at biruan ng mga ito.

———
I am a criminology graduate at kakapasa lang ng board exam (tsamba) pero minalas dahil gusto kong maging pulis pero walang recruitment ngayon at puro saf lang ang open tambay muna ako at umaasang mag oopen rin ang pnp ngayong taon.

At natutuwa talaga ako dahil nagkaroon ako ng libangan.

Ang magsulat at magsulat at magsulat. At natutuwa ako kapag nakikita kong may nagbabasa ng gawa ko.

So thank you guys. Lalo na sa mga bumasa ng ANG PAG IBIG KO SA VILLA HACIENDA at HER MYSTERIOUS NEIGHBOR na natapos ko na.

hugs and kisses!

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon