Part 15

7.4K 222 1
                                    


6 years later

"Shit!" napamura si Kurt ng maramdaman ang kirot ng ulo niya.

"What is it honey?" sabi ng katabi niya. Napabalikwas ng bangon si Kurt ng may sumagot sa kanyang tabi.

"Monica? what are you doing here? sabi ko sayo umuwi kana at huwag kang magpalipas ng gabi rito!" naiinis na sabi nito sa babaeng kasama sa kama.

"Rude. Pano ako makakauwi eh wala akong dalang sasakyan. Don't tell me maglalakad ako pauwi." sagot naman ng babae at tumayo pa. Parang wala itong pakealam na ibalandra ang hubad nitong katawan. Pinulot nito ang kanyang mga damit at saka nagbihis sa harap ni Kurt.

Bumuntong hininga si Kurt at mariing pumikit, masakit ang ulo nito dahil nagkaroon ng party sa kaniyang restaurant. Nagkainuman roon at nang umuwi na siya ay sumama sakanya si Monica isa sa mga cook sa kanyang restaurant. 5 years ng cook ito roon.

Blonde ang buhok nito ipinakulay lang, morena ito at maganda ang katawan, nasa 5'5 ang height nito at purong pinoy.

Nagkaroon sila ng relasyon ni Monica pero hindi sila mag on nito, isa lang siyang babae na dinadala nito sa kama at hanggang doon lang. Nilinaw rin ito ng binata sakanya.

"Hindi ka na bata Kurt, you're 34 years old, bat hindi na natin seryosohin ang relasyon natin, masaya naman tayo sa isat isa." sabi pa ni Monica sakanya.

"Iwan mo na ako, gusto kong mapag isa. Ayokong pag usapan ang edad ko. At lalong hindi na magbabago ang desisyon ko. Hanggang kama ka lang Monica, kung naghahangad ka ng mas malalim na relasyon sakin pwede ka nang magresign sa restaurant." singhal nito sa dalaga.

Padabog na umalis si Monica sa bahay ng binata.

Bumuntong hininga si Pamela ng makalanding ang eroplano na kanyang sinasakyan.

Finally.. after 6 years ay nakauwi na siya ng Pilipinas.

Bente dos anyos na siya ngayon, mas lalo pa siyang tumangkad sa height niyang 5'9 hindi niya akalain na may itatangkad pa siya.

Bumuntong hininga siya at naglakad palabas ng airport, kaunti lang ang bagahe niya. Pumara siya ng taxi at tumuloy sa isang condo unit na binili sakanya ni Minda at Dolfo.

"Hello Tita?" nakahiga na siya ngayon sa loob ng kanyang condo.

"Hello iha? so? nagustuhan mo ba ang condo mo? okay ba siya?" masayang sagot ni Minda sa kabilang linya. Nagpaiwan ito sa US kasama ni Kylie at ni Dolfo.

Every year ay umuuwi ang mga ito, siya ang laging naiiwan sa US dahil busy siya sa pag aaral. At ngayong nakapagtapos na siya sa isang business course ay siya naman ang umuwi ng Pilipinas.

"Yup, I like it tita. Very much." nakangiti niyang sabi kahit hindi nakikita ng kausap ang reaction niya. Bumaling siya ulit sa paligid. Malaki at maaliwalas ang paligid.

"Mabuti naman kung ganun. So iha, kailan mo bibisitahin ang kuya mo?" tanong ni Minda sakanya.

Naalala niya si Kurt. Nang makarating siya ng US ay hindi na ito nagparamdam sakanya, laging dahilan ng kaniyang tita ay busy ito. Nagtatampo siya binata dahil hindi man lang siya nito naalala sa birthday's niya, special Holiday's..wala. Lagi niya itong tinatawagan kaso wala talaga, nagpapadala rin siya ng card dito.

"Siguro bukas nalang tita." malungkot na sabi nito.

"Hey..wag kang magtatampo sa kuya Kurt mo. Alam mo naman yan, inuuna ang trabaho at pambababae."

Napabuntong hininga nalang siya sa narinig.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon