Part 5

8.1K 215 2
                                    


"Pare, uso mag move on." nanunuyang sabi ni Fred. Hindi nalang niya ito pinansin dahil alam niyang mas lalo lang siyang aasarin ng mga ito once na magreact siya sa sinabi nito.

Nauwi ang usapan nila sa kanya kanya nilang trabaho.

Isang beses nilang tinawag si Pamela para kumuha ng wine at pagkain.

Saglit na napatingin si Kurt sa babae at saka siya nagtiim bagang. Galit siya sa matangkad na babae at mala model na dating ngunit bakit naaakit nanaman siya sa itsurang ganito? Agad siyang nag iwas ng tingin.

May tatlong libong nakatabi sa mesa na iniwan ng apat na lalaki. Nagkibit balikat si Pamela at saka ito kinuha. Hindi naman niya ito hiningi at kusa naman itong binigay.

Pahirapan sa pagkuha ng jeep sa mga oras na iyon. Alas kwatro y medya na at tapos na ang trabaho ni Pamela. Napabuntong hininga siya. Gusto na niyang matulog at magpahinga pero eto at wala siyang masakyan.

Nagulat si Pamela ng biglang may pumaikot na braso sakanyang beywang.
Isa itong estranghero at mukhang adik ang itsura, malagkit itong nakatitig sakanya. Nagpumiglas si Pamela.

"Bitawan niyo ho ako, wala po akong ginagawa sainyo, parang awa niyo na po" mangiyak ngiyak niyang pakiusap.

"Galing ka sa bar na iyon diba? o edi tara na, lagi kitang nakikita na pumaparoon. Pok pok ka diba? magkano ka?" pangahas na sabi nito. Nanlaki ang mga mata ni Pamela at saka mas lalo pang nagpumiglas umiyak na siya ng tuluyan sa harap ng lalaki ng biglang..

"Bitawan mo siya." mapanganib na sabi ng isang lalaki, nang lingunin niya ito ay nagulat siya ng matandaan ang lalaki. Isa ito sa mga customer nila kagabi. Nagtataka siya bakit hanggang ngayon ay nandito pa ito.

Pahagis na itinulak siya ng adik na lalaki.

"Sige sayo na ang pok pok na iyan, masyado siyang iyakin." pagtataboy nito sakanya at saka walang sabing umalis.

Napahikbi siya sa takot. Kumunot ang noo ni Kurt habang nakatingin sakanya.

"Bakit ka umiiyak? hindi ba tama naman siya? nagtatrabaho ka sa club diba? sa tingin mo ano tingin sayo ng mga tao?" hindi makapaniwalang bumaling si Pamela sa lalaki. Nakaramdam ng guilt si Kurt at saka lumapit sa dalaga.

"Halika na at ihahatid na kita." pag aaya niya.

"Hi-hindi na, umalis ka na. Salamat."

Napabuga ng hangin si Kurt. "So pinagtatabuyan mo ako ganun?" sabi nito. "Pagkatapos kitang tulungan wala ka pang tiwala sakin?"

Nagyuko si Pamela, hindi niya alam na napakahina pala niya, ni hindi niya maipagtanggol ang sarili niya at bigla nalang mag iiyak sa daan.

"Kung ayaw mo edi wag." papasok na sana si Kurt sa kotse nito ng tawagin siya ng dalaga.

"Ku-kuya ihatid mo na ako please. Wala akong masakyan at-at natatakot ako baka bumalik yung lalaki." pakiusap niya.

Tumawa si Kurt sa sinabi nito. "Kuya?" hindi makapaniwalang sabi nito.

Namula si Pamela. "Si-sir." pag uulit niya.

"I'm Kurt." amused na sabi nito. Saglit silang nagtitigan bago pumasok si Kurt sa driver's seat si Pamela naman ay pumasok narin sa front seat.

"Ituro mo sakin kung san kita ihahatid. Wag kang manahimik dahil hindi ko alam kung saan ka nakatira." seryosong sabi ni Kurt.

Sinabi ni Pamela ang direksyon ng bahay nila ng tiya niya.

Nagpasalamat siya dito at umalis ng walang sabi sabi si Kurt.

"Bakit ang tagal mo?" galit na sumalubong sakanya ang tiya niya. "6 na ah." patuloy nito.

Nagyuko ng tingin si Pamela.

"Sorry tiya may nag abang sakin na lalaki na mukhang adik kaya medyo nagkaron ng problema, pero okay napo wala naman pong ginawa sakin yung lalaki." sabi niya sa mababang tinig.

"Nagugutom na ako magluto ka na, inuubo ako wag ka masyadong lumapit dahil baka mahawa ka, hindi ka pwedeng magkasakit at wala kang sasahurin kapag nagkataon." ni hindi ito nag alala sa sinapit ng dalaga.

Nang matapos silang kumain ay nagpahinga na kaagad si Pamela.

Waitress (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon