Chapter 1 | Tazana Fayre
Log In
Email: TazanaFayreVernal@yahoo.com
Password: **********Loading...
“Ah! Ang tagal naman ng wifi...”
“Fayre! Bumaba ka na diyan at kakain na!”
“Wait lang, Ma!”
Loading...
“Anong wait lang?! Bumaba ka na diyan!” jeez! Napakamot ako sa ulo bago hintayin na mag log in yung acc ko sa Facebook. Kakasimula ko lang eh!
“Sandali na lang ma!”
“Anong sandali! Baba na! Tama na yang kaka-fesbok mo diyan!” tss =____=, ni-log out ko yung facebook ko kahit di pa naka log in =_____= bago isara ang laptop at tinanggal sa saksak. Si mama naman eh!
Bumaba ako ng hagdan na dala ang phone ko at umupo sa kusina bago nagmano kay mama.
“Ikaw Fayre! Tama na yang kaka Facebook ha!”
Ayan na naman po siya.
“Adik ka na diyan sa social-social media na yan!”
“Eh ma, yan naman kasi ang uso ngayon.” napapabuntong hininga na sabi ko bago mag sandok ng kanin.
“Anong uso? Anong uso?! Sakit lang sa ma—”
“Good evening.” napatigil sa pag-dakdak si mama nung dumating si kuya na naka bungad sa pinto. Si Kuya Val Justin Bernal. 3rd year collage na siya at ako naman ay 4th year high school na.
“Oh Val? Napaaga ang awas mo ngayon ah!” masayang sabi ni mama na humalik pa sa pisngi ni kuya. “Maaga pinaawas ma eh.” sabi niya lang at tumabi sa akin.
“Hi bunso.” tawag niya sa akin. Tinapunan ko lang siya ng tingin bago magsimulang kumain.
“Sus, arte naman nito. Anong nakain nito ma?” nagsumbong pa! Humarap ako sa kanya at...
“HIIIII KUUYYYAAAA!!!!” kinuha ko pa sa outer lungs ko yan para lang masigaw sa kanya yan. Napatakip naman siya ng tenga at saka sinamaan ako ng tingin.
“What the hell Fayre?!” sigaw niya rin sa akin. “Hoy! Hoy, hoy. Tigil niyo yan, kumain na kayo.” parang aso naman na sumunod kami ni kuya sa sinabi ni mama kaya nagpalitan na lang kami ng masasamang tingin.
Hahaha!
***
“Maghugas na kayo ng pinggan, parusa niyo yan sa kakasigaw niyo kanina. Oh sya, may aasikasuhin lang ako.” sinabi yun ni mama bago siya pumasok sa kwarto nila ni papa which is wala na *cry*.
“Oh kuya val! Tayo daw ah!” baka ako lang ang paghugasin nito eh.
“Ay! May gagawin pa pala akong ass bunso.” tignan mo to! Sinamaan ko siya ng tingin, nung pasimple siyang umaakyat sa kwarto niya. “HOY! KUYA!” sigaw ko kaya binilisan niya ang takbo at saka nakapasok sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
DEACTIVATE
Random'Do you know the real world? Do you know the online world? What if you didn't know that two? Then where are you living?' Paano mo masasabi na ang ka chat mo ay nasa totoong mundo? Paano kung ang ka chat mo ay nasa kabilang mundo? O tinatawag na...