Chapter 2 | Message Request
Ivan Xaxier
"Who's this?" natanong ko sa sarili ko ng makitang Ivan Xaxier ang name ng nag re-request.
Ivan: Hi.
Yan yung nakalagay sa message. Sino ba to? Tinignan ko ang profile niya at nakita ko na hindi ko pala to friend. Pinindot ko ang dp niya at--
Gwapo!
Oo, ang gwapo ng dp niya. Pero hindi ako sure kung siya talaga to. Malay natin poser account lang to. Ini-slide ko ang profile noya at kamukha nung una ang pic niya, siya talaga yun. Tinignan ko ang newsfeed niya at ang konti ng post niya mostly picture lang ng kung saan-saan pero famous siya, kasi umaabot sa 1K ang like ng profile at post niya. Binalik ko ang mouse sa message at tinignan ang chat niya.
Hmm? Bakit to nag chat?
*Beep*
"Omo!" nagulat ako ng mag beep na naman ang messenger ko! At ang mas nakakagulat dun, yung Ivan na naman ang nag chat!
Ivan: Hey.
Ayos lang ba to?! Nakakakaba kasi isang pogi mag chat sa akin?! Pero may naka chat na rin naman akong pogi, pero iba kasi to! Ang famous niya!
*Beep*
Ivan: Notice me.
Napalayo ako sa laptop ko at napatayo sa kama. Jeez!
*Beep*
Ivan: Please?
Ivan: Hey, notice me po.
Ivan: Please, wag mo naman akong i-seen.
Ivan: Hello.
"AAAAAAAAAHHHH!!" naisara ko ang laptop ko ng wala sa oras ar dali daling hinugot ang charge bago tumakbo sa kama at nagtalukbong.
Jeez! Sino ba yun?!
***
"Ms Vernal."
"Ms Vernal?"
"Ms Vernal?!"
"Hey Fayre..." ramdam kong may yumuyugyog sa akin kaya bumalik ang ulirat ko at napatingin kay Hanna. "Oh?" takang tanong ko. Lumipat naman ang tingin niya sa unahan at nakita ko ang galit na mukha ni prof.
"Ms Vernal?! Are you with us?!" napatayo ako at saka tumungo.
"Y-yes prof." sagot ko. Hayy! Gawa kasi ng Ivan Xaxier na yun kaya ako nagkakaganito eh!
"If your with us what is our topic?" tanong ni prof. Inalala ko kung ano ang topic namin.
"Persistence Organic Pollutants, prof." sagot ko. Nakita ko naman na um-ok ang mukha niya kaya uupo na sana ako pero pinatayo niya ako. Paktay!
"Or?"
"POPs po."
"What is POPs?" buti na lang matalino ako!
"POPs is a chemical substance that persist in the environment, bioaccumulate through the food web and pose a risk of causing effects on human health."
*clap* *clap* *clap*
"Very good, Ms Vernal as expected. But please make sure that your mind is with us, ok?"
"Yes, prof." sabi ko bago umupo. Pinuri naman ako ng Hanna bago makinig ulit sa klase.
Lunch namin ngayon at andito pa rin kami sa roon dahil nag aayos kami ng gamit. Hawak ko naman ang phone ko nung kausapin ako ng isa naming kaklase.
"Uy! Fayre ang galing mo kanina sa Science ah." sabi niya, ngumiti naman ako at nagpasalamat bago tumingin ulit sa phone.
"Fayre, sino nga pala yung kasama mo sa post kahapon?" napaangat ako ng tingin dahil akala ko tapos na ang papuri niya, nagtanong pa pala =__=.
"Sino?" takang tanong ko. "Yung pogi na kasama mo kahapon sa post mo sa fb, sa mall yun diba?" tsk si kuya lang pala.
"Ah... Oo sa mall yun, wala kuya ko." sabi ko bago tumingin ulit sa phone.
"Kuya mo?! Shocks! Ang gwapo!" natawa ako sa itsura niya, hahaha. Syempre! Mana sa aki-
*Beep*
Nanlaki ang mata ko bago ibalik ang tingin sa phone ko. Shocks! Si Ivan Silvan na naman!
Ivan: Hey. Notice me po, please *crying emoji*
Mabilis na ibinulsa ko ang phone at tumingin kay Hanna. "Tara na." sabi ko, nagtaka naman siya sa kilos ko pero nag pauna na ako sa lakad. Jeez, tinatayuan ako ng balahibo!
Habang naglalakad kami sa fild ay panay ang tingin ng mga student's sa amin. Waeyo?
"Gosh! Look! Kasunod nila sila Kiepher!"
"Ah! Ang gwapo talaga nila!"
"Kiepher! Jetro! Harry!"
"Kiepher! Ang gwapo mo!"
Napatingin naman sa likod si Hanna, samantalang ako naglalakad lang. "Shocks! Mika, ang gwapo nila." kinulbit ako ni Hanna at pinipilit na pinapatingin ako sa likod.
"Huh?" takang tanong ko. Bussy ako sa pag IG eh! Malapit na mawala ang load ko eh!
"KIEPHER XAXIER! I LOVE YOU!"
Napatigil ako sa pag scroll ng newsfeed nung marinig ko ang pangalan na yun. W-what?
K-kiepher Xaxier?
Ka apelyido niya? Napaharap ako sa likod at nakita ang tatlong gwapo na nahulog sa langit.
"Fayre! Diba ang gwapo nila!"
"K-kamukha m-mo..." naguluhan sila lalo na yung tinuturo ko na si Kiepher Xaxier.
"Bakit kamukha mo yung nasa dp..."
"Fayre, ano ba yun?" kinulbit niya na ako pero todo turo pa ako dun sa lalake.
"Miss?" takang tanong nung lalake.
"KAMUKHA MO SIYA!"
He looks like Ivan Xaxier!
———
Vote and Comment, please :*
BINABASA MO ANG
DEACTIVATE
Random'Do you know the real world? Do you know the online world? What if you didn't know that two? Then where are you living?' Paano mo masasabi na ang ka chat mo ay nasa totoong mundo? Paano kung ang ka chat mo ay nasa kabilang mundo? O tinatawag na...