DATV | 13 |

259 6 0
                                    

Chapter 13 | Coincidence

“A-ah..”

Shocks! Shocks! Shocks! Bakit ko siya tinawagan?! Waaah!

[Why did you call?]

Omooo!

“W-wala, n-napindot ko lang. B-bye!” agad kong pinatay ang tawag at tumalon sa kama. Waah! Ohmygas!

“TAZANA FAYRE VERNAL! LUMABAS KA DIYAN! WHAT THE HELL IS HAPPENING TO YOU?!” napatalon ako sa kama sabay upo dito. Grabe si kuya!

“FAYRE! LUMABAS KA DIYAN! ARE YOU FUCKING CRAZY NOW?! ISA!” dali dali akong lumakad sa pinto at agad na binuksan yun.

“VAL JUSTIN BERNAL! OK LANG AKO! INAANTOK LANG AKO NOH! GAGAYA PA AKO SAYONG BALIW!” sabay sara ng pinto. Tumalon ako sa kama at nagtalukbong. Tutulog na ako!

×××

“Fayre... anak? Gising na.”

“Hmm..”

“Anak, tayo na diyan. Mag di-dinner na tayo.”

“Mama?” agad akong napatayo sa kama ng makita si Mama na naka upo sa tabi ko habang sinusuklay ng kamay niya ang buhok ko kanina.

“Buti naman gising ka na. Mag dinner na tayo Fayre.”

“A-ah opo. Maghilamos lang po ako.” tumayo ako sa kama at dumeretso sa cr. “Baba ka na mika ah.”

“Opo!”

Pagkatapos mag hilamos at mag toothbrush ay tinignan ko ang phone ko na puno ng notifications. Tss, lowbat naman. Chinarge ko ito at saka ako lumabas sa kwarto at bumaba para kumain.

“Are you ok now? Wala na ba ang kaluluwang sumanib sa iyo?”

Sinamaan ko ng tingin si kuya at nginitian si Mama na nakain sa unahan.

“Tss, baka sa iyo nang-galing.” pang aasar ko at tumabi sa kanya bago nagdasal at kumain na rin.

“Tss.” sabi na lang niya sa akin kaya inirapan ko na lang siya. “Ay oo nga pala ma.” sabi ni kuya na tumigil sa pagkain.

“Bakit hindi tayo mag bonding bukas? I mean, two weeks na lang ang natitira mo dito ma, so why not?” napatigil sa pag kain si mama at napatingin kay kuya, ganon rin ako.

“Oo nga! That's a great idea kuya!” pag sang ayon ko. Well, para naman hindi rin ako nalulungkot.

“S-sorry Val, Fayre... Aalis kasi ako bukas.” nalaglag ang balikat ko sa lungkot ng marinig ko iyon. What? May trabaho din si Mama bukas?


“But ma, minsan na lang to oh.” halatang malungkot na sabi rin ni kuya. Ngumiti naman ng pilit si kuya.

“Val, Fayre... Pede bang sa susunod na linggo na lang? Bussy kasi si Mama eh.” napatingin na lang ako sa pagkain ko. Hayy.

“Ma—”

“Or kayo ang mag bonding?” biglang singit ni Mama sa sasabihin ni kuya. Huh? “Kayo na lang ang mag bonding bukas. Para naman hindi kayo laging mag ka away.” tss, hindi naman ah. Napatingin naman ako kay Kuya at naka ngiti siya.

DEACTIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon