DATV | 24 |

247 6 0
                                    

Chapter 24 | Smile

“Fayre!”

Muntik ko ng mabitawan ang phone ko dahil may biglang yumakap sa akin mula sa likod ko.

“H-hanna?”

“The one and only!” kumalas siya sa yakap at tinignan ako. “Oh? Are you ok?” she asked.

“Oo naman, nagulat lang.” oo tama sobarang nagulat ako hindi dahil kay Hanna. Kundi dahil kay Ivan... nandito siya?

*beep*

Ivan: Tazana my manager called me already. Chat you later, bye!

Fayre: Ok... bye.

“Who's that?” dali dali kong itinago ang phone ko from Hanna. Nakita niya kaya?

“Yieeee... Fayre-shi may tinatago ka ah! Sino yan?” there she goes again with Fayre-shi.

“Hanna-shi wala yun. Tara! Gala tayo!” hinila ko siya patayo at tumakbo. Hinabol niya naman ako kaya pareho kaming pa ikot ikot dito.

“Me too!” biglang may sumingit sa takbuhan namin at si Jetro yun. Tatlo na kaming patakbo takbo dito sa sea side. Nakita ko sila Harry na nakatingin lang at si Kiepher na walang pakelam.

Ang daming tao na rin ang nakatingin sa amin pero mas nadagdagan ng hilahin ni Jetro si Harry. Kaya apat na kaming tumatakbo ngayon. Ng matatapat na kami kay Kiepher ay buong lakas na hinila ko siya kaya nagulat siya at napatakbo na rin.

“Whoa!”

“Ang gwapo at ang gandaaa!”

“Kyaaaaaa!! Ang pogi nila Kiepher!”

“Kyaaaaaaaaaaa!!”

“Hahahaha!” rinig kong tawa ni Jetro habang tumatakbo. Napangiti na lang kami ni Hanna saka si Harry pero i never expected na pati si Kiepher..

Nakangiting nakatingin sa kanila pero nung bumaling sa akin...

Nakangiti din...

*thump* *thump* *thump*


“Nakakapagod *sigh*.” sabi ko ng maka upo kami sa bench. 5 minutes na lang bago mag 4 at napakahabang oras kaming tumakbo paikot ikot.

“Guys! Pinapatawag daw ang lahat sa field!” sigaw ng isang estudyante kaya nagkatinginan kami ni Hanna.

“Bye na Fayre, huhuhu.” niyakap ako ni Hanna kaya niyakap ko din siya. “Ang dram mo ah!” natawa na lang siya sa sinabi ko. Umalis na siya pagkatapos mag bid ng bye kila Kiepher kaya naiwan kaming apat dito.

“Tara na.” nag pauna si Jetro sabay hila kay Harry kaya naglakad na rin ako kasabay si Kiepher.

×××

Mabilis lumipas ang oras at nakatayo na ako dito sa dulo ng pool dahil hinhintay ko si Kiepher na makapunta dito.

Ganto kasi yun...

Limang group ang mag uunahan at mabilisang makakuha ng tamang sagot na isusulat sa board (na katabi ko) dahil ako ang sasagot ng tanong. Kainis si Jetro eh! Ah that boy! Anyway, si Harry ang —hahaha! Ang-hahaha! Siya ang mag susuot ng heels at kukuha ng lobo bago putukin at ibibigay kay Jetro na lulusob sa lobo—serves him right! At ibibigay kay Kiepher na lalangoy sa start ng pool (malayo!) hanggang sa akin. And yeah ako ang sasagot ng tanong!

DEACTIVATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon