TBW-1

33.8K 515 26
                                    

"Keep not only the things that matters but everything that needs to be taken care of."

Follow me on Instagram/
iamiyannuricko


UNEDITED!

1.

Blithe's POV

"Ano to!?? ANO SABI TO EH!?" Sabay hagis sa mga walang kwentang folder na ipinass nila sakin.

Tumahimik ang Conference Room na mas lalong ikinainit ng ulo ko.

Hinampas ko ang lamesa kaya napaigtad sila.

"Mag isa lang ba ako dito? Bakit ayaw niyong magsi sagot?" Galit na wika ko pero nagsiyukuan lang silang lahat. Mas lalong nag init ang ulo ko. "Tinatanong ko kayo! SAGOT!" Umecho sa buong kwarto ang boses ko at wala akong pakialam. Galit ako. Simpleng trabaho pero hindi nila magawa ng tama.

"So walang sasagot? Fine then. Pack all your things. All of you are fired." Malamig na wika ko at akmang aalis na ng may nagsalitang isa sakanila.

"S-Sir.." Lumingon ako at nakita ko ang isang empleyado ko. "I-it's the new marketing strategy para sa new project ng M-"

"Marketing Strategy!?" Mariing tanong ko sa isa sa mga empleyado ko na nagtangkang sumagot.

Nakita ko namang namutla ito at marahang tumango.

Pabalibag kong inihagis sa lamesa ang folder na ikina bigla nila.

"Ito!? Anong klaseng Strategy to? Explain this fvcking thing to me at nagagawa mo saking sabihing strategy to." Mariin kong wika at naupo. "Explain."

Nakita kong nagsimula na itong manginig.

"Sir... Sorry po." Nanginginig na wika nito.

Napahilamos na lamang ako sa mukha ko.

Damn it. Walang kwenta.

"Ayusin niyo yan. I'll give you until tomorrow morning. Dismissed." Malamig na wika ko at lumabas ng kwartong iyon.

Nagderetso ako sa opisina ko at naupo sa swivel chair.

Sumandal ako sa swivel chair at tinuon ang mga mata sa glass wall kung saan matatanaw ang mga nagtatayuang building sa labas.

Again, I'm alone.

I sighed.

Sweetheart. Kailan ka ba babalik? Miss na miss na kita.

"Emo again?"

Dagli akong napaharap at doon nakita ko si Blaine.

"Uncle!" Bibong wika naman ng bulilit na karga nito kasabay ng pagpapababa ng bata sa ama at tumakbo palapit sa akin.

"Be careful kiddo. Baka madapa ka." At agad ko siyang binuhat ng makalapit sa akin.

Hinalikan ko siya sa noo. He is Blaine's son. 2 and a half years old. Galing no? Kabilis niya. Naunahan pa ako.

"You looked tired. Natutulog ka pa ba Montero?" Kunot noong tanong sakin ng kakambal ko.

The Billionaire's Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon