Nanginginig ang aking katawan ng umakyat ako pataas sa kwarto ni sir Timothy, naku naman nakakahiya 'Lara, huwag kang mahiya, siya dapat ang mahiya dahil sa brief niya ang nakita mo' saad ng aking isipan
Napalingon-lingon na lamang ako habang paakyat ng hagdan, sobra na yata ako sa pag inom ng kape at kung ano-anu na ang mga iniisip ko
Kumatok ako sa kwarto ni sir Timothy pero hindi siya sumasagot, ng ilang sandali ay wala paring nagbubukas ng pinto mula sa loob ay kinatok ko muli ang pintuan pero again. Wala akong napala kaya pinihit ko ang siradora ng pintuan at binuksan ang pinto at nakahinga naman ako ng malalim dahil sa walang tao sa loob
Nakita ko ang basket ng kanyang mga labahin sa loob, kukunin ko na lamang iyon dahil sa alam ko naman ang dahilan kung bakit ako pintawag ni sir Timothy
Agad-agad akong naglakad sa loob ng kanyang kwarto at pumatungo sa giliran at kinuha ang basket, ng bubuhatin ko sana ang basket ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan na nagmumula sa loob ng banyo, pero iba ang aking nasaksihan
Ang kaakit-akit na katawan ni Adan
Nasa loob ako ng maids quarter kung saan inaalala ang mga nangyari kanina sa loob ng kwarto ni sir Timothy kung saan nakita ko, hindi ko lang nakita nahawakan ko pa
Napatingin ako sa salamin kung saan kitang-kita ko ang pamumula ng aking mukha, para yatang nasampal ako ng isang maligno diyan sa labas ng bahay sa itsura ko
"Lara!"narinig ko ang boses ni tiyang kaya dali dali akong lumabas dahil sa baka magalit si tiyang at mag tanong kung anu-ano ang mga pinaggagawa ko sa loob ng maids quarter
"Bakit po tiyang?" tanong ko sa kanya ng makapasok ako sa loob ng kusina. Nadatnan ko siyang naghahalo ng kanyang niluluto sa kusin habang si Melisa naman ay maghihiwa ng mga gagamitin sa ibang putahi
"Pinatatawag ka ni sir Timothy sa taas"aniya ni tiyang Anita, na ni reaksyon sa kanyang mukha ay wala akong makita ni kakarampot
Nanigas ako sa aking kinatatayoan dahil sa hindi ko madaling naipasok sa isip ko ang mga katagang sinabi ni tiyang anita sakin. Ano na naman ang kailangan niya at bakiy niya naman ako pinatawag, kanina pa siya at namumuro na siya masyado, hindi na kamo kaaya-aya ang pagiging amo niya.
Naiinis na ako sa kanya, kasi naman kanina sa loob ng kwarto e. Napahiya ka Lara, ikaw naman kasi Lara lalandi landi ka hindi mo naman inilulugar
Padabog akong umalis mula sa kusina at pumatungo sa hagdan, pero nakasalubong ko si Sonya na siyang nagwawalis sa sala. Kasi mula sa kusina ay madadaanan muna ang sala patungo sa hagdan pataas
"Ouhh, bakit ka nakabusangot Lara" takang tanong ni Sonya sakin, pero napailing-iling naman ako sa kanyang tanong dahil sa wala rin namang maitutulong ang tanong niya sa problema ko
Alam kung pagtataka lamang ang siyang napinta sa mukha ni Sonya ng umakyat ako ng hagda pero ang mag pinupoblema ko ay kung paano ko papatayin ang amo naming bakulaw
Ang dami-dami namang yaya dito sa loob ng bahay bakit ako pa ang pinapatawag niya. Nakakainis talaga yang amo namin sobrang abuso siya
Hindi na ako kumatok sa kwarto, tutal kung may makita naman ako wala na sakit yun, sanay sanayan na lang ata. E pano kasi noong dadampotin ko na sana ang m basket kung saan nakalagay ang mga labahin ni sir ay narinig ko ang pagpihit ng pintuan kung saan nagmumula sa cr ni sir Timothy
Kaya nakita ko tuloy ang mala adan niyang katawan, naku naman Lara ang swerte swerte mo naman ngayong araw. Nakatunganga akong nakatitig kay sir Timothy sabay tulo ng laway ko
"What are you doing!" napukaw ang atensiyon ko sa lalaking nagsalita. Nakasmirk ito saking nakatingin habang ako nama'y hindi mapakali sa mga titig niyang mapang umay
Nagbalik ako sa aking ulirat at napailing-iling, naku naman Lara kung ano-anu kasi ang iniisip mo yan tuloy nakakahiya. Naka one point naman si sir sayo, talo ka na
Nakita ko siyang matamang nanonood sa telebisyon kung saan nanonood siya ng Doraemon ata yun, yun ang nakasulat sa flatscreen sa tv ehhhh. Nakakadiri naman si sir nanonood ng mga ganyang palabas parang bata. Kung ako sa kanya manonood nalang ako ng probinsyano yun mas maganda pa yun, tsaka gwapo yung bida si Coco may labss
"Tatayo-tayo ka na lang ba jann!!"malakas na aniy ni sir, kay iyon ang naging dahilan upang mabalik ako sa aking ulirat
Kumaway siya sakin kaya pumatungo ako sa kanya, hanip talaga pag ikaw ang boss no. Ikaw ang palaging masusunod
"Ano po yun s-sir!"nanginginig kong aniya sabay lunok sa laway ko. Naku Lara wag kang matatakot niyan, kung sa probinsiya niyo nga hindi ka natatakot sa Engkanto jan pa kaya sa damulag na yan
"Kuha mo ko meryenda" aniya niya sakin, sabay balik nood sa palabas na pinanonood niya
Dahan dahan akong tumalikod, iyon lang pala kala ko kung ano na ang kasalanan ko kung bakit niya ako pinatawag sa taas
Hahakbang na sana ako palabas ng kwarto niya pero may sinabi pa siya bago ako makalabas "sa susunod, kumatok ka muna bago pumasok!" Maraang sigaw niya pero ako naman inismiran ko lang siya, dahil sa makapangutos sakin abuso na
Teka! Mariin akong napahinto pababa ng hagdan, ano naman kaya ang gusto niyang meryendang pinapakuha niya sakin
Naku Lara, tatanga tanga ka na naman. Yan kasi ang dahila kung bakit ka napapahamak, napapikit ng mata patalikod pabalik papunta sa kwarto ni sir Timothy
Kumatok muna ako sabay pihit ng pinto at dumungaw, doon nakita ko si sir na matamang nanonood ng telbisyon. Ang gwapo niya sana kaso ang sama ng ugali
"Sir!"napabaling siya sa kinaroroonan ko sabay kunot ng noo ang nakapinta sa mukha nito "Ano po bang klaseng meryenda ang gusto niyo" napabalik siya ng tingin sa telebisyon
"Kahit ano na lang" matamang aniya ni sir Timothy kaya agad na akong bumaba at pumatungo sa kusina kung saan nadatnan ko sila tiyang Anita na nagluluto parin
Naku naman asan na si Sonya, pakikiusapan ko nalang siya na siya muna ang umakyat nitong pagkain papuntanh kwarto no sir Timothy
"Tiyang gusto daw po ni Sir Timothy ng meryenda" napalingon sila tiyang anita sakin
--------------------------------------------------------------------------------------
Sa lahat ng gustong bumasa sa story ko na " Devastated Wife" happy po ako kung babasahin niyo ang una kung gawang story
Thanks for Reading
Please vote and follow me in Wattpad
@DancingFucker😘😘😘
BINABASA MO ANG
That Model is my Husband
RomanceKaya kayang ipaglaban ni Timothy ang pagmamahal niya sa babaeng iba ang estado ng buhay kesa sa kanya Paano niya kaya ipapakita sa kanyang babaeng mahal na si Lara na hindi siya susuko rito at handa siyang bitawan ang lahat para lang sa babae na ka...
