Chapter 10

125 2 0
                                        


Nang makarating ako sa cottage na itinuro ni Sonya ay nadatnan kong naglalambingan ang dalawang mag asawa, hindi ko na lang iyon pinansin at nagtungo na lamang sa mini kitchen ng cottage

"Hija!" biglang may tumawag sakin, kaya napabaling ako sa mag asa, wala naman akong ibang kasama ditto sa loob diba sila lang naman

"P-po?" taka kong tanong sa magasawa, kaya napangiti ang lalaki sakin kundi si Sir Manuel na siyang asawa ni Madam Matilda

"Ano nga palang pangalan mo?" mariin niyang tanong sakin kung saan napatuyo ako ng tuwid

"L-lara po sir!" nanginginig kong saad, hindi ko maipagkakailang may takot ako sa kanya dahil sa ramdam ko ang awra niyang nakakatakot at parang istrikto ito kung iyong tignan. Pero wala akong magagawa dahil sa ito ang una kong impresyon sa kanya, pero kahit na iyon man ang impresyon ko ay ramdam kong mabait ito dahil sa paano niya magagawang ilibre ang mga staff at isama ito sa bakasyon na to.

"Okay Lara, maari mo ba kaming ikuha ng Juice ni Matilda" mabait na utos sakin ni sir na tilay ramdam mo ang baretonong boses nito. Napatango na lamang ako at sinimulan ang unang hakbang palabas ng cottage dahil sa ayoko silang maistorbong magasawa

Mariin akong napahinga ng malaki ng makalabas ako ng cottage, pero nakita kong nakatanaw si sir Timothy roon sa baybayin na tilay di ko malaman kong ano ang iniisip nito. Kitang-kita ko kong paano niya titigan ang dagat na animo'y tinatanong niya ito ng mataman at naghihintay ng sagot kahit sa totoong buhay ay hindi naman talaga makakasagot ang dagat sayo

"Lara! Baka matunaw si sir niyan" singit na panunukso ni Sonya kung saan palapit na ito sa kinaroroonan ko habang nakapinta sa labi nito ang malawak na ngiti

"Hindi ahhh! Kakatingin ko lang kaya sa kanya e. Tsaka bakit ko naman titigan si sir" tanggi ko sa mapanguyam na tukso ni Sonya at sabay iniwas ang tingin kay sir Timothy

"Naku, huwag ka na lang tumanggi alam naman nating gusto mo rin si sir. Ako nga noong unang dating ko pa lang sa mansiyon ay nabighani na ako kay sir Timothy" pagsasalaysay ni Sonya " pero lumipas ang panahona ay nawala na ang pagtingin ko sa sir dahil sa magkaiba ang mundong ginagalawan naming"

Totoo naming hindi nababagay ang isangkatulong sa estado ng buhay ni sir Timothy, ang mayaman ay para sa mayaman at ang mahirap ay para sa mahirap. Siguro iyon lang talaga ang nakatadhana para sa mga mayayaman at mahihirap

"Hindi ko nga gusto si sir, tsaka ako magkakagusto diyan sa damulag na yan. E di nga yan marunong ngumiti at ang sungit-sungit" turo ko kay sir kung saan nanatiling nakatanaw sa baybayin. Mali lahat ang sinabi k okay Sonya dahil kabaliktaran lahat ng sinabi, pero kailangan kong itago ang nararamdaman ko at pagsikapang iwasan si sir dahil sa tuwing lumalapit ito sakin ay patuloy akong nahuhulog sa kanya. Umalis ako sa harap ni Sonya habang nakanguso dahil yun lamang ang tanging paraan upang umiwas ako sa mapanguyam na tukso ni Sonya at pati narin sa usapan naming na tugkol lang kay sir Timothy

Akala ko pa naman dati asawa siya ni Madam Matilda pero anak pala siya nito. Kaya pala iba ang naging reaksyon nila Sonya, Juliana, at Melisa sa sinabi ko sa kanila, ayssst nakakahiya naman noon. Bakit kasi hindi sinabi ni tiyang Anita na anak pala ni Madam Matilda ang lalaking pinagpapantasyahan nila Sonya at Juliana

Nakasalubong ko si tiyang Anita at Juliana sa daan kung saan dala-dala niya ang cooler na buhat-buhat naming kanina upang ilagay kotse. Isipin ko palang ang ay ang bigat-bigat ng binuhat ko iyon ng magisa dahil tinawag siya ni Damulag kanina dahil sa Macbook daw

"Tiyang?" usal kong nakangiti kung saan mariin niyang naibaba ang cooler, wari'y

nahihimigan niya na may kailangan ako sa kanya

"Ano yun hija?" mariin niyang tanong sakin, kahit matanda na siya ay ramdam ko ang kalambingan ng kanyang boses. Di tulad ng ibang matatanda diyan ay sisigaw kung magtanong.

"saan ko po ba ikukuha sila sir Manuel ng juice? inutosan kasi nila ako e" pakamot kong saad kay tiyang. Nagpalinga-linga naman si tiyang na inilibot ang kanyang paningin sa resort kung kaya't matagal ito bago nakasagot sakin. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng juice

"Doon ka pumunta" sabay naman niyang itinuro ang isang cottage na kung saan ay may mga staff na naglilinis sa paligid "magtanong ka nalang doon at sabihin sa kanila na room service sa cottage four" napangiti naman ako ng sabihin iyon ni tiyang Anita sakin, kung wala talaga si Tiyang Anita ay baka tatanga-tanga ako ngayon at maglilibot lang sa manila ng walang ka muwang-muwang

Nagpasalamat naman ako kila tiyang bago umalis at nagtungo sa cottage na sinasabi niya upang makuha ang order nila sir Manuel

Habang patungo sa cottage ay tanaw ko ang napakandang paligid kung saan ang mga bulaklak na nagsasayawan sa pagdating ko, doon ay makikita mo ang makukulay na palamuti sa kanilang cottage na animo'y nagbibigay ng ganda sa paligid habang mga staff naman ay masayang ginagawa ang kanilang mga gawain ni animo'y hindi mo makikita sa kanila ang pagod sa mukha nito

"Good morning po!" bati ko sa kanila upang mapansin nila ako kung saan napabaling sakin ang isang babae at dalawang lalaki. Nagtinginan naman ang dalawang lalaki sa isa't-isa kung saan naguusap ang kanilang mga mata, hinintay ko silang lapitan ako dahil sa ayokong pumasok sa loob dahil sa kakamop lang ng tiles

Namataan ko nalang na nagbato-bato pick ang dalawang lalaki kung saan napatawa ako sa kanilang ginawa, ang tanda-tanda na nila pero napaisip bata parin sila. Hindi maalis sa aking labi ng matapos sila sa kanilang ginagawang batopick kahit na wala naming patutunguhan ang kanilang ginagawa

Nang lumapit sakin ang isang lalaking ay nginitian ko siya, syempre naman no!

kailangan mong maging mabait sa isang tao kahit na unang kita niyo palang para para pagbigyan ka sa kahiligan mo

"Uhmm! Ano po yung kailangan niyo maam?" mabait na sambit ng lalaki sakin sabay pagngiti nito, kitang-kita ko ang mga mapuputi niyang ngipin kung saay nagbibigay ng karagdagang kagwapohan sa kanya

"A-ahh" una kong saad kung saan nabubulo ako "san po ba pwedeng umorder ng juice, room service po para sa cottage four" mabait kung tugon, yun naman kasi ang inutos sakin ni tiyang kaya sinunod ko na lang

Bahagya namang mapataas ang kanyang kilay kaya't mas lalong guwapo ito na animo'y diyos at mala Adonis na lalaking nanggaling sa langit at bumagsak sa lupa para pasayahin ako

Charrot!!

Walang mapagsidlan ang saya ang bumabalot sa aking puso sa ngayon, na tila'y nagtatatalon ito sa tuwa. Pero napigil ang saying nararamdaman ko ng marinig ko ang isang baretonong lalaki na nagsalita mula sa likoran ko

"Kila daddy ba yan?" mariin kung sinusi ang boses na siyang nanggaling sa likoran ko at iniisip ng mabuti dahil parang narinig ko na ang boses nay un, pero nagulat naman ako ng biglang lumabas sa isipan ko ang litrato ng mukha ni sir Timothy

Agad akong napalingon sa aking likoran kung saan kitang-kita ko ang gwapong lalaki na kanina ko lang naisip, bahagyang nagsitakbohan ang kaba sa aking puso na tilay huminto ang aking mundo ng makita ko ang seryoso niyang mukha habang ang bibig ko naman ay nakaawang dahil sa kakatitig ko sa kanya

"S-sir" mahina kung usal dahil matagal bago rumihestro sa isip ko na nandito si sir Timothy.

Salamat sa lahat ng sumuporta sa story ko kahit na ang tagal-tagal ko ng hindi nag UD kasi naman busy ako ng mga panahon yun dahil sa sunod-sunod na kailang ipass dahil ganyan naman talaga ang nagyayari sa tuwing may graduation na nangyayari Clearance is a must sa atin na nagaaral sa public

Hindi ka pepermahan ng clearance kung wala kang mabiling floor wax ba diyan

That Model is my HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon