Chapter 1

419 3 0
                                        

Kasama ko si Tiyang Anita na lumuwas nang maynila dahil sa napagpasyahan ko na pumasok muna bilang katulong sa isang mayamang pamilya na siyang kilala naman ni tiyang Anita



Kitang-kita ko ang matatayog na building na siyang nadadaanan namin sa cubao, kaya mariin na lamang napapaangat nang tingin habang minamasdan ang nagkikintabang pader nang building.

"Ang ganda naman dito tiyang Anita"maligalig kong saad kung saan sabik na sabik akong bumaba sa bus na sinasakyan namin. Nanggaling pa kasi kami probinsiya namin kaya isinaman na ako ni Tiyang Anita nang malaman kong naghahanap pala nang ibang katulong ang amo niya, kaya naman si ako grab the opportunity. Maliban sa may sakit ang tatay ay hindi na nila kayang tustusan ang pangangailangan ko sa pagaaral kaya napilitan akong sumama kay Tiyang dahil sa naawa na ako sa pamilya ko dahil sa palagi nalang asin at mantika ang ulam namin gabi-gabi

" O siya, halika na Lara andito na tayo"pukaw sakin ni tiyang habang nakatulala naman ako, kaya pagbalik ko sa aking ulirat ay agad kung kinuha ang bag na siyang nasa kesami nang bus nakalagay basta hindi ko alam kung anong pangalan noon. Alam ko namang ngayon lang ako nakasakay nang ganitong sasakyan dahil sa kariton lang ginagamit namin sa probinsiya, wala pang gasolina diba atleast makakatipid ka pa

Pagkababa naman namin ni Tiyang Anita ay pumara siya nang puting sasakyan, taxi ata tawag doon. Nakikita ko lang kasi sa libro kapag may nakalagay na 'taxi' sa atip nang sasakyan taxi daw iyon.

Kinuha naman nang mama ang mga hawak naming bagahe ni tiyang at inilagay ito sa pwetan nang taxi. Una akong pinapasok ni tiyang sa loob kaya naramdaman ko ang lamig at bango nang taxi. Pero napatingin ako sa loob bakit walang snow ang lamig lamig naman ahh

"Tiyang, bakit walang snow" bulong ko sa kanya "ang lamig kasi. Sabi sa nabasa kong libro basta malamig may snow daw" takang tanong ko kay Tiyang Anita na siyang dahilan upang mapahalakhak siya kaya napansin iyon nang driver.

"Aircon ang tawag niyan Lara" sabay tinuro niya ang butas-butas na parang kulongan na manok "jan lumalabas ang malamig na hangin" paliwanag ni Tiyang Aning

"Saan po ba tayo Ma'am" tanong nang mama kay tiya. Wow ha sosyalin ang tiya may pa ma'am ma'am pang nalalaman ano siya tetsir.

"Cambridge Village po manong" mahinhin na saad ni Tiya na parang maria clara ang dating. Aba nahahalata ko atang lumalandi ang tiyahin kong matanda

"Hoy tiya, tumigil ka sa ginagawa mo. Minopos ka na kaya " aniya ko sa kanya kaya agad naman ibinalik ang kanyang ekspresyon sabay kurot niya sakin

"A-aray naman tiya, nagbibiro lang naman ako ehh" pagiinarte ko

"Tumigil ka jan Lara. Tandaan mo dapat maging mabait ka at masunorin sa lahat nang iuutos ni Madam sayo. Alam mo naman ang sinabi ko sayo sa probinsiya diba" banta sakin ni Tiya na siya ko namang napatango agad

Isang malawak at matayog na mansyon ang bumungad sakin nang makababa ako sa taxing sinasakyan namin ni Tiya kaya hindi ko maiwasang mapamangha sa nakikita ko.

"Lara, halika na" aniya sakin ni tiya nang matapos niyang bayaran ang taxi na sinakyan namin kanina

"Di mo namam sinabi sakin tiyang na palasyo pala ang tinitirhan mo" saad ko sa kanya, pero napailing-iling nalang siya

"Halikana, alam kong gutom lang yan kaya kong anu-ano ang pinagsasabi mong bata ka" hinawakan ni tiyang ang aking kamay at hinila niya ako papasok sa loob nang gate. Napansin kong pati gate nila gold ahhh, ilang pera kaya ang makukuha ko pagbininta ko ang gate nila. Edi sana yayaman ako agad-agad nito

Dumaan kami ni tiya Aning sa likod nang bahay kaya lumibot muna kami bago makapasok doon. Nadatnan ko naman ang mga naglilinis na ibang katulong sa bahay kaya ngiti ang nakapinta sa kanilang mukha nang makita nila ako. Ako ba o si tiya Aning , assuming ko talaga.

"Tiya Anita!!"mariing aniya sa katulong na siyang kagagaling lang sa banyo at matamang napalapit sa kinaruruonan namin ni tiya. Ang babait pala nang mga kasamahan ni tiya rito, sana makasundo ko sila kaagad

Habang masayang nagyayakapan sila tita at ang tatlong maid, yes tatlo as in three 👌 ay napabaling naman ang atensiyon nila sakin

" aahhh! Ito nga pala si Lara, pamangkin ko"pakilala nila sakin ni tiya "sinama ko siya rito dahil sa naghahanap si Madam nang ibang katulong diba" aniya ni tiya at sabay namang napatango ang tatlo

"Lara ito nga pala si Melisa, Sonya at Juliana" pakilala sakin ni tiya sa tatlo "sila ang makakasama mo sa paglilinis, tutal ay umalis ang labandera dito sa bahay ay dun ka muna namin iaasign" napatango na lamang ako sa sinabi ni tiya. Masaya ako dahil sa nagkaroon ako nang trabaho at mapapagaral ko na si bunso sa susunod na pasokan.

Nginitian ko lamang silang tatlo ni Melisa, Sonya at Juliana dahil sa hindi parin ako komportabli sa kanila. May hiya naman ako no!!!. Hindi tulad nang iba jan walang hiya.

"Bali alternate ang trabaho natin dito, kumbaga palitan kung ikaw ngayon ang labandera sa susunod na linggo naman ay ikaw ang maglilinis nang kwarto ni sir" napatango na lamang ako sa sinabi ni tiya, salamat at hindi ako magiging labandera habang buhay.

"O siya sige, papasok muna kami ni Lara sa loob upang makapagpahinga man lang" paalam ni tiya sa mga ibang kasambahay "sabihin niyo nalang sakin kung anjaan na sila maam" dagdag ni tiya

Matapos magpaalam ni tiya ay pumasok kami sa maid quarters daw sabi niya sakin. Iginaya niya ako kung saan ang banyo namin, pero nalulungkot ako dahil sa ibang kwarto si tiya. So hindi kami magtatabi, kasi si Juliana ang katabi ko daw kaya kaming dalawa lang sa isang kama. Si Juliana yung maputing babae kanina na kakalabas lang nang banyo, mukhang mabait naman siya dahil sa magkasundo sila nang tiyang ko

Mariin kung inilalagay ang mga gamit ko sa cabinet na siyang ibinigay sakin ni tiyang nang marinig ko ang tili ang ibang maid na papasok sa loob nang maid quarters

-------------------------------------------------------------

Please vote and follow me

@DancingFucker💋💋💋

That Model is my HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon