Nasaktan man ako sa nakita ko ay pinigilan kung huwag masaktan kahit alam ko naman na ang sakit-sakit sa pakiramdam
Wala ka talagang magagawa sa oras na kapag nasaktan ka ay hindi mo magagawang pigilan ang sakit na patuloy na humihiwa sa puso mo, o ano mang klasing saksak ang gawin nito ay isa lang ang mararamdaman mo kundi ang masaktan ka
Mariin na lamang akong napatingin sa deriksyon kong saan papunta si Sir Jerome, marahil ay nararamdaman niya na may nanyari sakin dahil bigla na lamang itong natahimik na parang pepe. Nakikisama ba siya sa pagdadalamhati sa pagkamatay ng puso ko o sadyang iniinis niya lang ako kung bakit bigla nalang siyang natahimik
"May gusto akong puntahan" aniya niya sakin dahilan para mabalik ako sa aking ulirat, hindi ko alam kong saan na nagliliparan ang utak ko, pero ang tanging nilalaman nito ay walang iba kundi si sir Timothy
"Saan naman tayo pupunta?" mahinhin kong tanong sa kanya na may halong lungkot sa aking boses. Pero hindi ko alam kong nahahalata niya ba ang kalungkotan iyon na nararamdaman ko sa ngayon
"Sa paraiso kung saan nababagay ang prinsesa ko!" sigaw niyang aniya, kaya bigla akong natawa. Ano namang prinsesa ang pinagsasabi niya nakahithit ba to ng katol bago pumunta rito at kung anu-ano ang mga pinagsasabi
"Yan, nakangiti ka na!" paanyaya nyang aniya sakin, hindi ko alam na sumusulyap siya sakin mula sa likoran. Hindi ko iyon napansin kanina
Nagtungo kami sa isang isla na kung saan malakulay puting ulap ang kulay ng buhangin roon, hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko ngayon pero ang tanging masasabi ko lang ay masaya ako. Kanino ba tong isla at baka kasuhan kami ng trespassing
Hindi ko alam kong bakit niya alam ang islang ito, siguro ay nagpabalik-balik na siya rito, hindi malayong mangyari ang iniisip ko. magkaibigan sila ni Sir Timothy kaya marahil tama ang aking hinala, mayaman siya sa pananamit palang niya ay kitang-kita mo na namumuhay ito sa matiwasay na buhay ni animoy lamot ay hindi nakadapo sa kanyang katawan dahil sa sobrang kinis nito
"Ilang babae na ang dinala mo rito?" tanong ko sa kanya habang siya ay walang reaksyon na nakangiti habang minamasdan ang paligid na animoy ninanamnam niya ang sariwang hangin na nalalanghap namain galing sa dagat. Patuloy lang akong nakatitig sa kanya dahil sa inaantay ko ang kasagutan niya sa aking tanong
"Babae? Ni isang babae wala akong dinala rito" sagot niya sa tanong ko kanina habang tataw-tawa pa siya, kung totoo lang sana ang pinagsasabi niya e sana kanina pa ako kinikilig kaso sabi nga ni Manong Nestor ay ganyan ang mga lalaki sa maynila. Huwag daw akong magpapauto ni nino man
Pero iba ang pakiramdam ko sa kanya, malakas lang talaga siyang mang trip kaya at ako lang talaga ang nakikita niyang pagtripan. Kung tutuosin adiyan naman si Sonya at Juliana na kasama naming sa get together na to pero sa aming tatlo ako ang napili niyang pagtripan, siguro ay matagal na niyang kilala sina Sonya at Juliana kaya iba ang turing niya sakin
"Naku, style mo bulok!" aniya ko sa kanya at agad naglakad sa baybayin ng isla, isa lamang itong maliit na isla na animoy hindi madrawing sa mapa. Sa gitna nito ay mga mga puno ng niyog pero ang napapansin ko ay isang bahay kubo lang ang nandito
"Totoo kaya, hindi ka naniniwala sakin?" naramdaman kong nakasunod na siya sakin, pero patuloy parin akong naglalakad sa baybayin habang nakatalikod sa kanya
"Sandali nga lang tayong nagkakilala e, kaya wala akong tiwala sayo" matigas kong aniya, kung sa patigasan lang ng ulo ang hanap niya puwes nandirito lang ako at palaging available kong kalian niya gusto
"Talaga lang ha, hindi ka naniniwala sakin" may hamon niyang aniya, pero hindi ko siya pinakinggan pakialam ko ba sa sasabihin niya
"Hindi talaga, mamatay man" natatawa siyang napahinto sa dalampasigan habang ako naman ay patuloy na naglalakad at iniwan siya. Lilibotin ko lang tong isang isla na halos dalawang iktarya lang laki tapos ay babalik na ako sa sasakyan
BINABASA MO ANG
That Model is my Husband
RomanceKaya kayang ipaglaban ni Timothy ang pagmamahal niya sa babaeng iba ang estado ng buhay kesa sa kanya Paano niya kaya ipapakita sa kanyang babaeng mahal na si Lara na hindi siya susuko rito at handa siyang bitawan ang lahat para lang sa babae na ka...
