"Sir, ano po yung ginagawa niyo rito?" patanong kong aniya sa kaniya habang ramdam kong hindi parin umaalis sa likoran ko ang lalaking staff na tinatanong ako kung ano ang kailangan ko
Bigla siyang napatingin sakin at napatitig ng taimtim "bakit, bawal ba ako rito?" magkasalubong na kilay niyang tanong sakin, na animoy parang nagalit pa sa tanong ko. Ano bay an parang bakla!
"Hindi naman po sa ganon, nagtata—" hindi ko na natapos ang dapat kung sabihin sa kanya ng umalis siya sa harap ko at nagtungo sa loob ng cottage upang umukupa sa isang lamesang walang tao.
Mariin na lamang ako napatingin kay sir Timothy paalis na animoy nabasted ng isang lalaki, kahit kalian talaga napakasama parin ng ugali ni sir. Hindi ko siya magetss!
"Maam ano po uli yung order niyo?" bahagyang nabaling ang atensiyon ko sa lalaking staff na siyang kausap ko kanina. Hindi ko alam kong ano ang nagyari sakin kung bakit ako natulala ng marinig ko ang boses ni sir. Talaga bang malaki ang epekto niya sakin
Bumalik ang atensiyon ko sa lalaking staff at nginitian ito ng mataman at hindi ipinahalata ang nangyari sakin, dahil sa nahihiya ako sa kanya dahil nakalimotan kong may kausap pa pala ako
"Pa order nalang po ako ng juice sa room 4" mariin kong aniya sa staff na lalaki, habang may ngiti sa labi. Kita kong ngumiti rin siya sakin ng ngitian ko siya, pero infairness ang gwapo niyang tignan sa mga ngiti niyang pang colgate hehehe
Iginaya naman ako ng lalaking staff sa isang bakanting upoan kung saan magkaharap kami ni sir Timothy, bali nasa corner siya ng cottage habang ako ay nasa gitna.
Hindi ko maiwasang titigan si sir, kahit anong gawin kung iwas sa kanya ng tingin ay hindi ko nagagawang pigilan ang sarili ko. Para bang namagnet ang paningin ko sa kanya na tila'y ayaw kumawala sa kakatitig kay sir Timothy
Inalis ko ang aking pagtingin kay sir ng lumapit sa kanya ang babaeng staff ng resto at tinanong ito kong ano ang kailangan nito. Kitang-kita ko ang mga ngiti niya para sa babaeng staff habang ang babae naman ay kilig na kilig kong tignan. Bahagya ko nalang naibaling ang atensiyon sa lalaking kausap ko kanina.
Satuwing tinititigan ko siya ay hindi ko maiwasang di niya ako mahuli, kaya ayokong tingnan si sir Timothy dahil sa naiilang ako sa tuwing nahuhuli niyang tinititigan ko siya
Basta! Hindi ko siya maintindihan sa mga kinikilos niya para siyang babae na may regla at bakit palaging galit na animoy sinusumpong sa sakit na almoranas hahahaha
Ilang sandali pa ng pagaantay ay lumapit sakin ang lalaking staff at ibinigay sakin ang dalawang baso ng order, bahagya siyang napangiti niyang ibigay niya sakin ang tray. Alam kong nakakaadik kung tignan ang mga ngiti niyang makalaglag panty, my god gusto ko siyang makilala man lang o kung ano ang pangalan niya.
Nasa tabi naman kami ng dagat ngayon kung saan tanaw ko ang mga alon ng dagat kung saan sinasampal ng alon ang malabuhangin na paraiso, pero hindi na ako natatakot sa alon ng dagat dahil sa pinatatag naman ni Sonya ang loob ko bago kami pumatungo sa tabi ng dagat. Nasabi ko kasi sa kanya na takot ako sa dagat dahil sa hindi ko pa nasubokang maligo nito dahil ilog at lawa ang nakasanayan ko
Bahagya naman kaming nananghalian rito sa tabi ng dagat kung saan napag utosan ako na magihaw ng barbeque. Habang ang iba naman ay nagaayos ng kakainan naming dahil sa may kanya-kanya kaming trabaho
Habang nagpapaypay ako ay hindi ko maiwasang titigan si sir, kitang-kita ko ang mapupula niyang labi na kung saan kay sarap halikan. Pero umiiwas naman ako ng tingin sa tuwing nahuhuli ko siyang titingin sa akin. Para atang nararamdaman niya na tinititigan ko siya, meron ba noon. Yung nararamdaman ng isang tao na may nakatingin sa kanya o nakatitig man lang
BINABASA MO ANG
That Model is my Husband
RomantikKaya kayang ipaglaban ni Timothy ang pagmamahal niya sa babaeng iba ang estado ng buhay kesa sa kanya Paano niya kaya ipapakita sa kanyang babaeng mahal na si Lara na hindi siya susuko rito at handa siyang bitawan ang lahat para lang sa babae na ka...
