Bahagyang natahimik ang loob ng studio ng magsalita ang isang lalaki mula sa aking giliran kung saan ang kinaroroonan ni sir Timothy, bahagyang lumapit sakin ang lalaki sabay akbay nito sakin na siyang naging dahilan upang kumalabog ang aking dibdib na animoy may mga nagtatakbuhan na daga sa loob. Pero nang balingan ko si sir Timothy ay tanging pamumula lamang ng pisngi ang siyang naging reaksyon ko para sa mga sinabi niya
Ako? Girlfriend niya! Wehhh, di nga!!!
Tanging ang saya lamang ang siyang namumutawi sa aking isip kung kaya't walang mapagsidlan ang saying nararamdaman ko ngayon ni animo'y nanalo sa isang luot kahit ni suertres lang
"Timothy, pagsabihan mo naman yang girlfriend mo na huwag kamong dumaan sa gitna. Alam mo naman madudumihan ang shoot" biglang paglumanay ng boses ng bakla, si sir Timothy lang naman pala ang makakapagamo sayo e. siguro may gusto to kay sir kung bakit bila nalang bumait. Napatingin naman ito sa paahan namin ni sir kung saan kitang-kita ko ang dumi, nakakahiya naman ako pa ang naging dahilan kung bakit nadumihan ang kanilang shoot
"Okay, Martin. Sorry for what happened" paumanhin ni sir Timothy sa bakla, bahagyang inalis ni sir Timothy ang kanyang braso na siyang nakaakbay sakin ng talikoran na kami ng bakal. Bahagya naman akong nakanganga na tilay di maka move on sa ginawa niya. Lara naman kasi ehhh, tatanga-tanga ka na naman
Magpasalamat ka nga kung hindi, hindi ka aakbayan ni sir ng ganun-ganun
Nang tinanggal niya ang pagkakaakbay sakin ay sumunod ako sa kanya sa gilid "sir teka lang" aniya ko sa kanya sabay naman siyang napahinto at napaharaps sakin
Napataas naman ang makapal niyang kilay pero gwapo parin kahit suplado ito kung tingnan
"What?" maldito niyang aniya sakin habang inaantay at nakapikit
"Hindi niyo naman kailangang sabihin na nobya niyo ako si---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng kinuha niya sa kamay ko ang mga dala kong damit at sabay naglakad upang iwasan ako
"Hindi ko naman sinabi yun dahil gusto ko, ginawa ko lang yun para iwasan na mapaginitan ka ni Martin sa ginawa mong pagsira sa shoot. Kaya sa susunod wag kang tatanga-tanga dahil mapapahamak ka lang sa mga ginagawa mo probinsiyana"
Napakabastos talaga ng lalaking to! Hindi man lamang siya marunong rumespito sa kapwa niya. Masakit man sa pakiramdam ang sinabi niya ay pinagsawalang bahala ko na lamang dahil sa totoo naman ang sinabi niya sakin talagang isa lang akong probinsiyana
"Halika na hija" aniya naman ni manong Nestor, alam kong narinig niya ang sianabing masasakit na salita sakin ni sir Timothy pero wala akong magagaw dahil sa amok o lang siya at tungkulin kong tanggapin ang masasakit na salitang bibitawan niya kahit labag man ito sa puso naming.
Tinalikoran ako ni manong habang akoy nakatunganga sa sinabi sir kanina, katulong lang naman talaga niya ako.
Pagod akong lumabas ng studio kung saan kasama ko si mang Nestor palabas, inintay niya pa kasi ako sa pintuan bago lumabas ng studio.
Katulong ka lang........
Katulong ka lang........
Katulong ka lang........
Biglang napaharap sakin si mang Nestor kaya napahinto ako para tanongin siya kung may kailangan ba ito sakin o wala
"Pabayaan mo na si sir hija, ganyan talaga yan kumbaga masasanay ka rin sa masasakit na salitang sasabihin niya sayo. Pero kung hindi niya ginawa yun ay baka napagalitan ka kanina ng shooting director doon, kaya sa susunod ay magiingat ka" aniya ni manong sakin, sabay napahawak sa aking ulo at ngumiti. Ramdam ko na parang amok o na rin si amng Nestor dahil sa closeness na nararamdaman ko para sa kanya
Lalakad na sana ako upang sundan si manong pero may tumawag sakin "Miss, wait!"napalingon ako sa aking likoran upang tingna kong sino ang tumawag sakin at matanong kung ano ang kailangan niya, pero ng paglingon ko sa likoran ko ay laking gulat ko dahil sa ang lalaking gwapong nakasabayan naming kasakay ng elevator ang siyang nakita ko.
Mariing nakangiti siya ng lumapit sakin na animoy may masamang gagawin sakin, tumingin muna ako sa kinaroroonan ni manong. Pero nakita ko siyang suminyas sakin na magaantay lang siya sakin sa baba
"Ano po yun? Sir." Usisa kong aniya sa lalaking gwapo na lumapit sakin, di ko maiwasang mapahang sa kanya dahil sa Adonis nitong tindig ni kahit na babae ay hindi siya mahihindian kung tatanongin nito ng date
"I have something to clarify?" napangti naman siya sakin, tapos bigla niya akong hinawakan sa aking dalawang braso at tinitigan ako ng taimtim
May saltik naman pala ang taong to e, sayang gwapo pero parang may kiriring sa utak "bakit?" iiwas na sana ko mula sa pagkakahawak niya pero hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak niya sa mukha ko. Animoy sinusuri niyang mabuti side by side
"Anak ka ba ni madam Lauren?" walang pakundangan niyang tanong sakin na siyang nagpalito sakin. Huh!! Di ko gets, anong anak pinagsasabi niya at sinong Lauren sa pagkakaalam ko wala naman akong kilalang Lauren, tsaka pano ko naman magiging nanay si Lauren e si Juanita ang nanay ko
"Hindi, Juanita ang pangalan ng nanay ko" sagot ko sa kanya bago ako kumalas mula sa pagkakahawak sa kanya, nasaktan ako sa pagkakahawak niya na parang matatanggal na yung panga ko
"Hahahahahaha.... Hahahahah" nagulat ako sa inakto niya na tilay na engkanto ata, hindi ko alam kung bakit nalang siya biglang tumawa animoy na engkanto diyan sa labas "Juanita? Anong klaseng pangalan yun hahahahaha" insult niya sa pangalan ng nanay ko, bakit maganda ba ang pangalan ng nanay niya kung bakit ganoon nalang siya makareak sa pangalan ng nanay ko
Hindi parin siya tumitigil sa kakatawa sarap talagang sapakin ng lalaking to kung hindi lang siya modelo dito ay baka kanina pa siya bumolagta jaan, gwapo pa naman siya kung tumawa na tilay walang pinagkaiba sa mukha niya kanina sa seryoso
"Bahala ka jan sa buhay mo" hindi na ako nakatiis ay tinalikoran ko na siya at hindi na ulit binalingan ng tingin, baka kasi ako pa may kasalan pag nakita diyan na mamatay kung saan maging cause of death niya pa yun
"Manong" nadatnan kong nagaantay si manong sa labas ng gusali kung saan nakaparada ang kotse nila sir Timothy. Agad ko namang binuksan ang passenger seat upang makasakay dahil sab aka kanina pa siya nag aantay sakin
"Ano bang pinagusapan niyo ng lalaking pogi kanina, bat ka natagalan?" malumanay na takang tanong sakin ni manong pero nginitian ko lang siya. At hindi pinahalata ang pag kainis ko sa lalaki kanina
"Hindi ko po alam kung sino yun, pero tinanong niya ako kung anak ba ako ni Lauren" nagtataka kong pagkukuwento ni manong "baka pinagtitripan lang talaga ako ng lalaking yun manong"
"Baka nga, tsaka hija payo ko sayo. Huwag na huwag kang magpapauto sa mga lalaki ditto sa maynila" pinaandar na ni manong ang sasakyan upang makaalis na kami dahil sa may bagong sasakyang dumating na siyang nasa likoran namin "dahil ikaw lang ang masasaktan sa huli. Sinasabi koi to dahil sa hindi mo alam kung ano ang mga kalakarin dito sa maynila"
Bigla na kaming lumarga ni manong matapos niyang sabihin iyon, pero nanatili sa isip ko ang mga sinabi ni manong sa akin
Nakita ko naman sa side mirror ang babaeng nakakulay pink na damit kung saan dali-daling bumaba ng kanyang sasakyan, hindi ko alam kong palapit na ba siya samin dahil nandoon siya sa pwetan ng kotse naming. Kakatok na sana siya pero bigla na lamang tumakbo ang kotse paalis ng building
----------------------------------------------------------------
Maraming salamat sa nagbasa ng Devastated Wife kung saan umabot na po siya ng 260k plus reads. More vote and follow po. Thankyou sa inyong lahat
Vote and Follow me😘😘😘
@DancingFucker
BINABASA MO ANG
That Model is my Husband
RomansKaya kayang ipaglaban ni Timothy ang pagmamahal niya sa babaeng iba ang estado ng buhay kesa sa kanya Paano niya kaya ipapakita sa kanyang babaeng mahal na si Lara na hindi siya susuko rito at handa siyang bitawan ang lahat para lang sa babae na ka...
