Chapter 9

133 2 0
                                    


Hindi magkaaligagang tinulongan ko si tiyang sa buhat-buhat niyang cooler patungo sa kotse kung saan gagamitin naming para sa outing ng get together namin kasama ang pamilya Villaruel, halatang masaya ang lahat dahil sa mangyayari ngayong araw. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing nakikita ko ang mga kasambahay na nakangiti at kita ang galak sa kanilang mga mukha sa tuwing nakakasalubong ko sila

Minsan lang kasi sa isang taon mangyari ang ganitong okasyon ayon kay Sonya, dahil sa tuwing umuuwi ang asawa ni Madam Matilda ay nagaaya itong mag outing kung saan kasama ang mga empleyado at malaking pagpapasalamat ko dahil sa kasama ako sa get together nila Madam and sir

Kakauwi lang kasi nga asawa ni Madam na siyang nasa abroad, marahil ay gusto niya namang lumangahap ng hangin sa pilipinas o kayay pulosyon sa kapaligiran

Palapit n asana kami sa kotse upang ilagay na naming sa compartment ang cooler na buhat-buhat naming dalawa ni tiyang ng biglang may tumawag sa kanya

"Yaya, asan na yung macbook ko?" bigla naman kaming napatingin ni tiyang kung saan nanggagaling ang boses. Nakita naming sumungaw ang ulo si sir Timothy sa pintuan, hindi ko alam kong anong ginagawa niya at bakit siya nagtatago. May pinagtatagoan ba siya kung bakit ganyan ang mag kinikilos niya kaya mariin akong napatitig sa kanya.

"Ewan muna kita rito Lara ha! Kukunin ko muna ang macbook ni sir" paalam sakin ni tiyang sabay baba niya sa cooler na dala-dala namin. Mariin naman akong napatango kay tiyang habang patuloy paring hindi na aalis ang malalalim na pagtitig ko kay sir

Nakita kong pumasok si yaya sa pintuan ng bahay habang si sir nama'y nahuli niya akong nakatitig sa kanya, parang nahuhulog ako sa kanya habang minamasdan ko ang kulay brown niyang mata na parang tunaw na tunaw ako sa tuwing nakatitig siya sakin

Pero biglang nagbago ang kanyang ekspresyon at nagsalubong ang kanyang kilay "what are you looking at?" tanong sakin ni sir kaya bahagya naman akong napaiwas ng tingin at hinawakan ang cooler na siyang ilalagay sana sa kotse at agad na binuhat iyon pataas

Bakit masama bang tumingin sayo? Kala mo naman ikaw lang ang gwapo rito sa mundo. May mas hihigit pa sayo! Tingnan lang natin ikaw ang magmamakaawang mahalin kita

Charrr lang.........

Matapos kong mailagay ang cooler sa compartment ng sasakyan ay tiningnan ko muli ang pintuan ng bahay kung saan si sir Timothy kanina

Pero laking dismaya ko ng makitang wala na si sir roon! Agad akong naglakad papasok sa loob ng bahay dahil sa may kailangan pa kaming ilagay sa sasakyan, kailangan ko munang taposin to para makapaghanda narin ao ng mga gamit na susuotin ko sa outing

"Tsk! Ang gwapo gwapo sana kaso lang ang sungit sungit" pagrereklamo mo habang papasok ng mansion, gusto kong punitin ang mukha niya para hindi na ako matulala sa kanya pero anong gagawin ko kung sa tuwing nakikita ko siya ay napapahinto ang mundo ko

May pagtingin na ba ako kay sir kung bakit ganun nalang palagi ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya

"Anong pinagsasabi mo diyan Lara?" nagulantang naman ako sa babaeng nagsalita sa aking tagiliran, bigla na tuloy nawaglit sa aking isipan ang iniisip ko dahil kay Sonya ng makita ko siyang naglilinis

"Sonya, bat ka ba nanggugulat" reklamo mo sa kanya habang hawak-hawak ang dibdib ko na siyang kinakabahan sa ngayon, ano namang nakain ng babaeng to king bakit bigla-bigla nalang kung manggulat

"Nakikita mo naman no!!" maldita niyang sabi sabay taas niyang kilay habang pupunas-punas sa pigurin na siyang nasa tabi ng pintuan. Nah! Kung hindi lang talaga kita kaibigan ay matagal na kitang binugbog diyaan

That Model is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon